Mga Dapat Gawin Para Magkaroon ng Manliligaw

0
146

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Isa ka bang single  at sa tingin mo ay imposible na ang may manligaw pa sa’yo? Huwag kang masyadong magpaka-bitter besh hindi totoo na wala ng magkakagusto pa sa’yo. Baka kasi kulang ka lang sa pag-aalaga sa sarili mo, o kaya ay kinapos ka sa kabaitan o baka naman sadyang mailap ka lang? May mga paraan pa para magkaroon ka ng manliligaw at mahanap ang iyong ‘the one’. Kung ayaw mo talagang tumandang dalaga, makakatulong sa’yo ang mga tips na ito.

1.Magpaganda. Hindi kalandian ang magpaganda. Ito ay pagmamahal sa sarili. Hindi lang para mapansin ka ng mga tao o ng mismong taong gusto mo na makapansin sa’yo kundi isang pag-aalaga sa sarili na kailangan ng  lahat na mga kababaihan. Konting make up, konting lipstick, konting kilay at maayos na kasuotan. Sa ganitong paraan ay magiging komportable ka at tinitiyak ko sa’yong bago ka hangaan ng ibang tao ay ikaw na mismo ang unang-unang hahanga sa sarili mo kapag nagawa mo ito.

2.Maayos na personal hygiene. Hindi ka lang dapat maganda sa panlabas mong kaanyuan, dapat ay malinis ka rin sa katawan. Laging siguruhin na walang lupa sa iyong mga kuko. Walang masamang amoy ang underarms. Hindi mabaho ang hininga. Hindi mabaho ang paa. At sympre pa isa sa mga solusyon dito ay ang araw-araw na pagligo.

3.Magandang attitude. Maganda ka nga at malinis sa katawan, humahalimuyak ang mabango mong amoy, kung meron ka namang hindi magandang attitude, hindi ka pa rin papasa sa panlasa ng kahit na sino. Dapat ay siguraduhin mo na magiging magiliw ka kahit kanino at hindi lang sa tao na kursunada mo. Lalo na ay dapat kang maging magalang sa mga matatanda.

4.Huwag maging obvious. Hindi mo kailangan magpakita ng emosyon o magbigay ng motibo para ikaw ay maligawan. Mas mabuti kung magiging palaisipan sa kanila ang iyong iniisip at nararamdaman. Kalimitan ay ang mga misteryoso at tahimik na tao ang siyang nakakakuha ng atensyon. Nacha-challenge kasi sila na matuklasan pa ang maraming bagay tungkol sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here