Mga Dapat Gawin Ni Misis Para Makalimutan ni Mister si Mistress

0
83

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

May babae ba ang iyong asawa? Yung tipong hindi ka na niya halos napapansin dahil meron na siyang bagong apple of the eye? May iba ng nagpapakislap ng mga mata niya at nagpapangiti sa kanyang mga labi? Get up wifey! Hindi ka dapat magkulong sa kuwarto at magmukmok sa isang sulok. May mga dapat kang gawin para muli mong maakit si mister at nang makalimutan niya si mistress.

May mga lalaki akong kilala na may mga kabit.(Ang iba ay kaibigan ko) Tinanong ko sila isa-isa (nang hindi nila nalalaman ang purpose ko) kung bakit at paano nila yun nagagawa sa kanilang mga asawa. At narito ang mga nakuha kong kasagutan mula sa kanila.

1.Wala na siyang panahon sa’kin.Kung iyan ang dahilan ni mister, aba misis, baka naman kasi nasosobrahan ka na sa kabisihan sa pagpapayaman kaya naisasantabi mo na ang obligasyon mo kay mister. Kailangan mo siyang paglaanan ng panahon gaano ka man maging busy sa trabaho o sa ibang bagay para hindi niya masabi na wala kang panahon sa kanya kaya naghanap siya ng iba na magbibigay sa kanya ng maraming oras.

2.Masyadong mabunganga. Kung ikaw ang tipo ng misis na mala-armalite ang bibig kapag dinakdakan si mister, aba’y kalma ka muna. Baka naman puwedeng daanin mo sa lambing o sa masuyong pakiusap ang nais mong ipaintindi kay mister. Kapag may nagawa siyang mali, sabihin mo ito ng mahinahon at daanin sa diplomasya ang usapan para mas maintindihan ka niya.

3.Losyang na siya. Aray ko ha! Talaga namang mapapaaray ang mga misis na masasabihang losyang ng kanilang asawa kahit pa isa nga siya sa dahilan kung bakit naging losyang si wifey. Pero wag kang magpadaig misis, huwag mong hayaan na mas maging maganda at mabango si mistress para kay mister kaysa sa’yo. Ibalik mo ang dati mong alindog. Kahit nasa loob ka lang ng bahay ay huwag mong hayaan na mangamoy pawis ka sa buong maghapon. Pagkatapos ng mga gawaing bahay, siguraduhin mo na isusunod mo namang linisin ang sarili mo. Dapat panatilihin mo pa rin ang iyong kagandahan kahit pa lima na ang anak nyo.

4.Wala siyang ambisyon. Naku e misis baka naman maghapon ka lang nakikipagtsismisan sa kapitbahay at ni wala kang kabalak balak na makatulong sa inyong pamilya. Sa panahon ngayon, isa sa mga nakakaakit sa lalaki ay ang magandang propesyon ng babae. Kung hindi mo naman kaya ang ganon, at least nakikita niya na gusto mong umasenso sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Magsikap ka din at huwag iasa sa iyong asawa ang lahat. Iwanan mo na ang dating gawi na makikipagtsismisan ka lang sa umaga, magbibinggo sa hapon at magkukutkot ng kuko sa gabi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here