Mga Dapat Gawin Kung Ikaw Ay May Premonisyon

0
102

Naniniwala ka ba sa premonition? Totoo ito. Hindi lahat ng tao ay meron nito. Kadalasan ay iyon lamang mga nakabukas ang third eye o yung mga psychic. Subalit ito ay may katotohanan na ilang beses nang napatunayan sa bawat pag-ikot ng buhay. Sa sampung sanggol na magkakasabay na isinisilang, tatlo sa kanila ay may psychic ability. Meron na sa pagkabata pa lang ay nakararanas na ng mga premonisyon.

Kung isa ka sa mga taong may ganitong abilidad,alam mo na ba ang dapat gawin sa oras na gumana ang iyong premonisyon? Kung wala ka pang ideya ay narito ang kaalaman na dapat mong malaman kaugnay nito.

1.Anuman ang premonisyon na maranasan mo ay dapat mong isulat. Wala ka dapat makalimutan na detalye. Mula sa araw,oras, pangyayari at kaliit liitang detalye, dapat mo itong itala.

2.Mas makakabuti kung ikaw ay magbibigay ng babala sa sinuman na may kaugnayan sa iyong premonisyon. Hindi mo ito dapat sarilinin. Importanteng may makaalam nito. Piliin mo ang tao na pwede mong pagkatiwalaan tungkol dito.

3.Sikapin na maintindihan ang naranasang premonisyon. Huwag itong babalewalain upang makatulong sa iba kung sakali. Maging mapanuri sa premonisyon at iwasang magkamali dahil maari ka nitong iligaw kung hindi mo iintindihing mabuti.

4.Huwag gagawing biro ang sariling premonisyon sapagkat ito’y seryosong usapin na dapat mong seryosohin. May mga tao na may premonisyon pero pinagtatawanan lang dahil sila mismo ay hindi naniniwala dito, what more pa ang tao na pagsasabihan nila?

Ang mga premonisyon ay maaaring maranasan ng isang tao na nagtataglay nito habang siya ay gising o tulog. Pwedeng habang siya ay nanonood ng tv, naglalaba o nagcocomputer. Pwede rin namang ang kanyang premonisyon ay sa panaginip niya makita. Halimbawa ay nakita niya sa kanyang panaginip ang isang taong malapit sa kanya na kumakaway habang papalayo at unti-unting naglaho, ito ay maaaring premonisyon na ang taong ito ay nakatakda nang magpaalam sa mundo. O kung siya naman ay gising at nakita niyang bumagsak ang photoframe ng isang mahal sa buhay, ito’y premonisyon na ang nasa larawan ay nasa panganib at posibleng mamatay. Nakakatakot mang isipin, subalit sadyang may mga tao na hindi nakakaiwas sa kanilang premonisyon sa ayaw man nila at sa gusto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here