Mga Dapat Gawin Kapag Nagkakaedad Na

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Life begins at 40.

Iyan ang madalas kong marinig sa mga nagkakaedad na. Kapag tumuntong na ng kuwarenta ang isang tao ay mukhang dito pa lang nila narerealize ang saya at kahalagahan ng buhay. Yung tipong sa edad na ito nagsisimulang mas higit na maging makulay ang buhay. Mas lumalawak na ang pananaw at mas marami ng naiintindihan. Mas matured ika nga.

Kung isa ka sa mga nagkakaedad na at medyo nangangapa ka pa rin sa mga dapat mong gawin para maging makabuluhan pa ang buhay mo, subukan mo ang mga sumusunod na payo at baka makatulong sa’yo.

1.Itrato ang sarili ng tama.

Panahon na para itrato mo ng tama ang iyong sarili. Ibig sabihin kung ikaw ay may bisyo dapat mo na itong sikapin na alisin sa iyong sistema. Kumain ng mga pagkain na makakabuti sa iyong kalusugan. Maglaan ng oras para sa ehersisyo. Kung masyado kang naging abala sa trabaho sa panahon ng iyong kabataan, panahon na para pagbigyan naman ang sarili kahit konting pagrerelaks.

2.Maglaan ng panahon sa pamilya.

Kung marami ng panahon ang nasayang na hindi mo nailaan sa iyong pamilya, dapat mo na itong bigyan ng pansin sa ngayon. Kung wala kayong pera o oras para magbonding sa labas, ang pakikipagbonding sa kanila ay maaari ring gawin sa loob ng inyong bahay habang nagmomovie marathon o kaya naman ay naglalaro ng mga games like chess, dama, o isang simpleng kuwentuhan habang kumakain ng sama-sama. Ang mga ganitong pagkakataon ay maituturing nating ginto dahil hindi lahat ng tao ay may pamilya at may pagkakataon na maging masaya kasama nila. Kung kabilang ka naman sa walang maituturing na pamilya, maaari kang maki-pamilya sa iyong mga kaibigan.

3.Makiisa sa mga aktibidad sa labas.

Ito na rin ang tamang panahon para bigyan mo rin ng atensyon ang mga aktibidad sa labas. Kung dati ay isa kang home buddy o yung tipong walang pakialam sa mga ganap sa labas o sa inyong komunidad, kapag ikaw ay nagkakaedad na, mas makakabuti kung susubukan mo rin na makijoin sa mga gawain tulad ng pagtatanim, paglilinis ng kapaligiran at sa mga grupo gaya ng mga zumba groups at kung anu-ano pa na maeenjoy mo pa ang iyong buhay at makakasalamuha ka pa ng maraming tao.

4.Tumulong sa kapwa.

Kung sa tingin mo ay medyo naging mailap ka sa iyong kapwa noong panahon ng iyong kabataan, ito na ang pagkakataon mo para makabawi. Mag-isip ka ng mga bagay na makakatulong sa kapwa mo. Hindi para magpasikat kundi para maramdaman mo ang kakaibang saya na hatid ng pagtulong sa kapwa at malaman mo na meron ka rin palang mahalagang magagawa para sa iyong kapwa. Na meron kang silbi bilang tao para sa iba. Para malugod sa’yo ang Diyos.

Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para tumingkad pa ang kulay ng mundo mo habang ikaw ay tumatanda. Huwag ng yakapin ang stress at mas pangibabawin na ang pagiging positibo upang ang nag-iisang buhay mo ay hindi matapos ng wala ka man lang mahalagang nagampanan sa mundo bilang tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here