Mga Dapat Gawin kapag Magkaiba kayo ng Interes ni Labs

Kahit naman ang dalawang tao ay nagmamahalan ay hindi nangangahulugan na palaging magkapareho sila ng interes. Puso lang nila ang nagdurugtong sa kanila at hindi ang kanilang isipan at kakayahan. Gayunman, hindi dahilan ito para sirain nila ang pagsasama kaya naman sa artikulong ito ay aking ibabahagi  ang Mga Dapat Gawin kapag Magkaiba kayo ng Interes ni Labs.

Una, suportahan mo siya sa mga gusto niya. Hindi mo naman kailangang mahalin ang isang bagay dahil lang mahal mo ang isang tao. Ngunit, nakakakilig para sa’yong mahal kong sisikapin mong gustuhin ang kanyang mga gusto. Iparamdam mo sa kanya na ipinagmamalaki mo kung anuman ang kanyang kakayahan.

Pangalawa, huwag mong lalaitin ang kanyang gawa kahit ano pa ang iyong dahilan. Kung talagang mahal mo siya, hindi mo siya gugustuhing saktan sa anumang paraan. Kapag pinili mong pintasan ang kanyang gawa, magsisimula na rin ang pagguho ng inyong relasyon. Tandaan mo, kahit gaano kapangit o kasimple ang kanyang ginagawa, pinagbuhusan niya iyon ng oras at atensyon laya hindi mo dapat laitin.

O, makakaya mo bang gawin ito? Siguro naman kung talagang mahal mo ang isang tao ay hindi magiging mahirap sa’yo na yakapin ang lahat sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here