Mga Dapat at Hindi Mo Dapat Gawin Sa Iyong Kaarawan

Lahat tayo ay excited sa pagsapit ng ating kaarawan.Kung meron mang tao na hindi excited dito siguro ay yung mga ayaw tumanda o kaya naman ay yung may mga pinagdaraanan. Pero karamihan sa atin ay inaabangan talaga ito at ipinagdiriwang sa anumang paraan. May simple, may bongga at may makasama lang ang buong pamilya. Pero ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat nating gawin tuwing sasapit ang ating kaarawan ayon sa pamahiin?

1.Ang tao na malapit nang magdiwang ng kanyang kaarawan ay hindi na dapat bumibiyahe ng malayo dahil siya ay malapit sa kapahamakan. Sa araw kasi ng kapanganakan ng tao ay maraming mahiwagang nilalang kabilang na ang mga nilalang ng dilim na nag-aabang na maagaw ang kanyang buhay kaya ang Diyos ay binibigyan na ng anghel ang bawat taong isinisilang upang ito ay maprotektahan.Kaya naman tuwing sasapit ang kaarawan ng isang tao ay sinasabing nagiging malapit din siya sa disgrasya.

2.Ang pagkain ng mahabang noodles o pansit ay nakapagpapahaba sa buhay kaya kung ito ang ihahain mo sa iyong kaarawan ay maaaring madagdagan pa ang buhay mo. Kung ang noodles naman ay ika-cut mo, para mo na ring pinuputol ang mga panahon na ilalagi mo pa sa mundo.

3.Masamang magsuot ng madilim na kulay ng damit kapag birthday mo dahil ang madilim na kulay ay nag-aanyaya sa kamalasan gayundin sa kamatayan. Mas mainam kung maliliwanag na kulay ang susuotin mo tulad ng pink, yellow, white at light green. Suwerte naman ang ihahatid sa’yo sa pagsusuot mo ng red kung birthday mo.

4.Hindi ka dapat magbuhat ng mabibigat kapag birthday mo dahil napipigilan nito ang iyong paglaki gayundin ang lakas ng iyong katawan.

5. Sa pag-ihip mo naman sa kandilang nakatusok sa iyong cake, may paniniwala na kapag nahipan mo ito ng sabay-sabay ay nasa tabi mo na o matatagpuan mo na ang iyong ‘the one’. Pero kung ilan lang ang nahipan mo, kung ilang kandila ang nanatiling may sindi ay ganoon din katagal ang taon na ipaghihintay mo pa bago mo matagpuan si true love.

6.Masama raw batiin ang isang tao ng advance happy birthday dahil may hatid na bad luck ito para sa kanya. Mas mainam kung babatiin mo siya sa kanya mismong kaarawan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here