MGA “DAPAT” AT “HINDI DAPAT” IPANREGALO NGAYONG CHINESE NEW YEAR

173

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Kung tayong mga Pilipino ay nagbibigayan ng regalo sa Araw ng Pasko, ang mga Tsino ay nagi-gift giving sa Chinese New Year.

        Narito ang simpleng guide kung ikaw ay may mga Chinese friends/acquaintance na nais mong bigyan ng regalo.

Mga Regalong Angkop Ibigay

Isa sa pinaka main rule sa pagbibigay ng regalo, ito ay kinakailangang nakabalot sa red o gold wrapper dahil ang mga kulay na ito ay simbolo ng suwerte sa China.

1.   Perfect Gifts Para sa mga Kaibigan

Ang pagpili ng ireregalo sa isang kaibigan ay karaniwang nakabatay sa inyong intimacy.

a.  Alcohol—Ang pagbibigay ng alcohol na nakalagay sa isang magandang sisidlan ay masuwerte sa mga Chinese.

b.  Tobacco—Ang tobacco na nakalagay sa isang kahon na kulay dilaw ay masuwerte dahil ito ay katumbas ng gold bar.

c.  Tea—Sagrado para sa mga Chinese ang tsaa. Ito ay tanda na iwini-welcome mo ang taong pinagbigyan mo sa iyong buhay.

d.  Fruits—Ang pagbibigay ng box of orange o apple ay simbolo nang paghahangad mo nang kaligtasan at magandang buhay sa pinagbigyan mo nito.

2.   Perfect Gifts para sa mga Seniors

Tulad nating mga Pilipino, labis rin ang pagpapahalaga ng mga Tsino sa mga nakatatanda. Ang pagbibigay ng regalo sa mga nakatatanda ay isang mahigpit na kaugaliang hanggang ngayon ay sinusunod na pa rin.

a.  Hat, Gloves, Scarf—Ito ang pinaka-thoughtful na regalong maibibigay mo sa mga nakatatanda. Para sa mga Chinese, ang sombrero, duwantes, at balabal ay simbolo ng awtoridad.

b.  Comb, Foot Bath Massager—Sa traditional Chinese medicine, ang pagmamasahe ay isang mabisang paraan ng pagri-repair ng katawan. Ang magandang kalidad na suklay ay magagamit ng mga seniors na pang-massage sa kanilang anit. Ang food bath massager naman ay makatutulong upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa paa ng mga seniors.

3.   Perfect Gifts para sa mga Bagets

Isa sa pinaka main idea ng pagbibigay ng regalo sa isang bata sa China ay ang pagpapakita mo ng hangarin na sila ay mapabuti at mapasaya.

a.  Candies—Labis ang kasiyahang maibibigay nito sa mga bata.

b.  Red Packets—Kilala ito sa atin bilang Ampao (Hongbao). Tiyak na magagalak ang sinumang batang makatatanggap nito.

c.  School supplies—Ang pagbibigay nito sa mga batang Tsino ay paalala na sila ay kinakailangang mag-aral na mabuti upang hindi masayang ang iyong regalo.

Mga Regalong Hindi Dapat Ibigay

        May ilang items na hindi dapat ibigay sa iyong mga Chinese friends dahil ito ay masamang gestures para sa kanila na maaaring ika-offend nila. Ano-ano ang mga ito?

1.   Mga bagay na kulay puti at itim. Ang kulay pula ay lucky color sa China. Ang white at black naman ay kabaliktaran nito sapagkat ito ay kulay ng pagluluksa at kamatayan. Iwasang magbigay ng anumang items na kulay itim at puti, o gumamit ng gift wrapper na may ganitong kulay sapagkat ito ay bad omen para sa mga Tsino.

2.   Kuwintas—May paniniwala ang mga Tsino na ang necklace, ties, at belts ay nakaugnay lamang sa intimate relationships. Ang mga ito ay karaniwang ibinibigay lamang sa asawa o kasintahan. Huwag magbibigay nito sa iyong Chinese platonic friend at baka iba ang isipin niya sa iyo.

3.   Kulay berdeng sombrero—Ang pagsusuot ng green hat ay nangangahulugang ikaw ay magkakaroon ng taksil na asawa. Hindi ito magandang wish para sa iyong Chinese friend, hindi ba?

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Enero 22
Next articleCoronavirus, Mahigpit Na Binabantayan Ngayon
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here