Mga Dapat At Di Dapat Gawin Tuwing Kabilugan Ng Buwan

Mga Dapat Gawin

1.Suklayin ang buhok.

Kung ikaw ay naiirita na sa iyong buhok pero wala kang magawa dahil kapos ka sa pera para magparebond o magpaganda ng buhok sa iba pang paraan, hintayin mo na lang ang kabilugan ng buwan at saka mo suklayin nang suklayin ang iyong buhok hanggang sa ikaw ay mangawit. Ayon sa pamahiin, ang pagsusuklay ng buhok habang bilog ang buwan ay nakapagpapaganda at nakapagpapalambot ng buhok.

2.Humarap sa salamin para malaman ang true love.

Kung nais mo naman na malaman kung sino ang lalaki o babae na itinadhana para sa’yo para siya mong maging truelove, kapag bilog ang buwan ay humarap ka sa salamin na liwanag lang mula sa kandila ang siyang tangi mong tanglaw at saka hilingin na ipakita sa’yo ang tao na laan para sa’yo. Paulit ulit mo itong hilingin hanggang sa maaninag mo ang kanyang anyo mula sa salamin.

3.Magbasa.

Kabilugan ng buwan ang maaari mo ring maging karamay kung gusto mong matandaan lahat sa isip ang iyong binabasang libro. Mainam ito sa mga nagrereview at nakatakdang magtake ng exam.

Mga Di Dapat Gawin

1.Lumabas ang buntis.

Kamalasan naman ang hatid ng kabilugan ng buwan sa mga buntis. Ito ay sa paniniwalang lumalakas ang kapangyarihan ng mga nilalang sa dilim tuwing sasapit ang pagbilog ng buwan. Kabilang na rito ang mga tiktik at aswang na siyang naglalagay sa panganib sa mga nagdadalang tao.

2.Magsugal.

Malas din ang kabilugan ng buwan sa mga manunugal. Kaya kung ikaw ay may balak magsugal sa mismong oras ng kabilugan ng buwan ay huwag mo na munang ituloy dahil ito ay maaaring maghatid sa’yo ng lubos na pagkatalo.

3.Magsinungaling.

Kabilugan man ng buwan o hindi ay hindi katanggap tanggap ang pagsisinungaling. Subalit mas higit kang dapat mag-ingat sa pagsisinungaling kapag kabilugan ng buwan dahil ayon sa pamahiin ikaw ay magiging mali-mali na tila napipilipit ang iyong dila sa tuwing ikaw ay magsasalita.

 

SHARE
Previous articlePamahiin Buhok: Mga Dapat Tandaan para di malasin
Next articleBakit nagbabago ang pakikitungo sa’yo ng isang tao?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here