Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Taurus

340

Ngayon ay ihahayag natin ang mga katangian na dapat mong malaman sa isang Taurus, lalo pa’t siya ang kasalukuyang iyong idini-date o kaya naman ay nais na i-date pa lamang. Ipagkakaloob ng astrolohiya ang mga sikreto ng Taurus, ang kanyang kaisipan at puso upang magtagumpay sa relasyong nais mong buuin kasama siya. Simulang na ang pagbabasa…

Ang Lengguwahe ng Pagmamahal ng Taurus ay Pagkain

Isang madaling paraan upang ma-impress ang Taurus? Dalhin sila sa isang magarbong restaurant. Masasabi mong ang pagkain ang isa sa kanilang love languages.

Ang mga Taureans ay nais na pasiyahin ang kanilang mga senses. Kung sadyang nais na ma-impress sila, ipagluto siya ng masarap na pagkain. Tulungan silang makahanap ng mga bagong pagkain tulad ng truffles o blood orange gelato, medyo mabigat nga lamang ito sa iyong bulsa, pero makasisiguro kang mananatili ang Taurean na kasama  ka.

Maganda ang  Tahanan ng Taureans

Ang pagreregalo sa Taurus ng mga magagandang bulaklak o mamahaling soy candle ay mabisang regalo upang maipakita mo ang apeksyon sa kanya. Ang mga Taureans ay mahilig sa pagde-decorate at gawin ang kanilang tahanan na kakaiba, ligtas at magandang lugar ng pahingahan. Inspirado ang mga Taureans sa magagandang kapaligiran na nagbibigay sa kanila ng komportableng pakiramdam tulad ng maayos at magandang bahay.

Mahalaga ang Hitsura para sa Taurus

Pinaghaharian ng planeta ng kagandahan, ang Venus, ang mga Taurus ay lubhang masaya na maglaan ng panahon, gawa at kaisipan sa kanilang hitsura. Bigyan sila ng panahon upang makapaghanda, pansinin ang kanilang effort, at hayaang silang magpahayag ng kanilang sarili!

Taureans are Independent

Ang simbolo ng Taurus ay ang Bull, ibig sabihin na kapag nai-set nila ang isipan sa isang bagay, kumpleto ang pokus nila dito. Ang mga Taureans ay kailangang maramdaman na gumagawa sila ng desisyon nang sarili dahil mayroon silang malakas na kumpiyansa sa sarili kaya naman lubhang loyat at magaling sila na makita ang magandang resulta ng kanilang ginagawa.

Nais ng mga Taureans ang Routine

Ang Earth sign na ito ay nilalang na puno ng habit at nais na mapanatili na magkaroon ng control sa kanyang buhay sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na ginagawa o routine. Ang mga Taurus ay malakas at madaling maka-adapat sa mga emergency, subalit ramdam nila na maibibigay nila ang kanilang est kapag sila ay may naestablisang routine na nagbibigay balance sa kanilang buhay.

Maaaring Magtiwala sa Taurus

Ipinagmamalaki ng mga Taurus na sila ay maaasahan at laging susundin kung anuman ang kanilang sinabi at gagawin. Tunay ang kanilang sinasabi na nasa puso nila ang interes ng mga tao. Kapag sinabi ng Taurus na may gagawin sila sa loob ng anim na buwan, makasisiguro ka na kahit makalimutan mo ito, sila ay hindi at gagawin nila ito.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here