Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Sagittarius

0
191

Kailangan ng walang hanggang enerhiya para mai-date ang babaing Sagittarius, kaya kung interesado sa kanya ay maging handa sa iba’t ibang aktibidad.

Lagi siyang on the go, nakikipagkilala sa maraming tao at naglalakbay sa mga bagong lugar, kaya kailangan na tanggap mo ang kanyang independent nature at palagiang pagkawala. Dahil ang kanyang love compatibility sa kanyang kapareha ay nangangahulugan din ng pambihirang pang-unawa.

Bilang isang social butterfly, ang masayahin at mapang-akit na babaing Sagittarius ay madaling kausapin, at sadyang mahilig siyang magsalita. Magsimula ka lamang ng topic sa masalitang babaing ito at makukuha mo na ang kanyang atensyon simula sa umpisa. Maalam siya sa iba’t ibang usapin, kaya ang inyong pag-uusap kaylanman ay hindi magiging nakababagot.

Ang babaing Sagittarius ay simpleng nakikinig at tumutugon sa iyong mga sariling istorya at mga pakikipagsapalaran at ang babaing Sagittarius na ito ay makukuha mo na ang atensyon. Lubha siyang optimistiko at laging nakikita ang magandang bahagi ng lahat ng bagay, aya siguraduhin din na upbeat ang iyong ugali kapag kasama siya.

Ang babaing Sagittarius at relasyon

Kapag ang babaing Sagittarius ay nasiyahan na kasama ka, masaya siyang papaya sa unang date ninyo saan  mo man nais pumunta. Upang mapanatili ang kanyang atensyon, gawin itong masayang aktibidad, tulad ng panlabas na ehersisyo o sports, dancing o bar hopping. Lubhang magiging masaya siya sa mga gawaing ito at isang hamon sa iyo na makasabay sa kanya.

Subalit ang paglalaan ng oras sa babaing Sagittarius kaylanman ay hindi nakababagot, at nagdadala siya ng kasiyahan saan man siya magtungo. Nakasisiyang makilala ang babaing ito. Subalit siguraduhing pinananatili mo ang mga malikhaing ideya sa inyong date, dahil madali rin siyang mabagot. At huwag siyang i-pressure na gawin ang anumang bagay na hindi niya nais, dahil iyon ang pinakamadaling paraan sa kanya upang makipaghiwalay.

Ang babaing Sagittarius ay matapang sa kanyang kalayaan at kailangan niya ng espasyo, kaya huwag masorpresa kung minsan ay nawawala sila. Tanggap niya na manatiling kaswal lamang ang mga bagay, kaya kung naghahanap ka ng anumang bagay na hindi seryoso ay siya ang babae para sa iyo.

Subalit ang Sagittarius zodiac sign ay palaging bumabalik sa mga mahal niya sa buhay, kaya kung ikaw ay makalalagpas sa fling stage niya ay ilalaan niya ang katapatan sa iyo. Siguraduhin mo lamang na susuklian din siya ng katapatan upang malaman niyang hindi siya nagkamali sa ginawang desisyon.

Ang babaing Sagittarius at sex

At naging tama ang iyong pinili sa sandaling dalhin mo siya sa kama, dahil ang babaing Sagittarius ay maalam pagdating sa pagniniig. Kawili-wili at adventurous, hindi mo malalaman kung ano ang dapat asahan sa inyong sexual encounter. Lubhang maalab, kakaibang karanasan ito kada kayo magniniig.

Subalit huwag umasa na magiging emotionally involved siya sa inyong sexual union dahil para sa kanya, ito lamang ay laro at kasiyahan. Sobra siyang carefree na para siyang hindi mo kasama kung minsan habang kayo ay nagse-sex, subalit huwag mag-alala. Nagsasaya lamang siya nang labis at nais niyang ang kapareha ay ganoon din ang maramdaman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here