Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Pisces

94

Kung naghahanap ng kasamahan na susuporta at mapag-aruga, huwag nang maghanap sa malayo at nariyan ang babaing Pisces. Kung iniisip na i-date ang babaing Pisces, maganda ang iyong desisyon.

Thoughtful, demure and insightful, ang babaing Pisces ay mas kilala ka kaysa sa iyong sarili. Kahit na sobra siyang emosyonal para sa ilang lalaki. Ang mapag-aruga niya kalikasan at maawain niyang pagkatao ay dahilan upang maging napakaganda niyang kapareha sa buhay.

Kailangang ikaw ang gumawa ng unang hakbang kapag nakikipag-usap sa babaing Pisces, kaya lumapit nang may pag-iingat. Bilang isang introvert ay kadalasan nakikita siyang nakatayo lamang nang nag-iisa, at mahihiya siya kung sobrang malakas ang dating nang paglapit mo sa kanya. Panatilihing katamtaman lamang at light ang inyong pag-uusap hanggang maramdaman niyang komportable na siyang kausap ka.

Ang babaing Pisces sa relasyon

Maging handa kung hindi niya tinanggap nang agaan ang iyong paanyaya ng date. Ang babaing Pisces ay nag-iisip muna bago magdesisyon, subalit kung tinaggap niya ang paanyaya ay gawing simple lang ang iyong ideya ng date. Hahayaan ka niyang magdesisyon sa mga detalye dahil bilang isang water zodiac sign ay mas nais niyang sumabay na lang sa agos kaysa guluhin ang kasalukuyang sitwasyon.

Ang babaing Pisces y tanggap ang pagsisimula na maging conventional, kaya ang dinner at movie ay okay lamang sa kanya. At habang nakikilala mo siya ay matutuklasang may mapangaraping bahagi pa la niya. Kapag nakuha mo ang personalidad niyang ito ay magkakaroon kayo ng second date.

Dahil siya’y hopeless romantic, ang babaing Pisces ay nais ang mga tradisyonal na regalo tulad ng jewelry at flowers at anumang klase ng sorpresa. At kung matatandaan mo ang mahahalagang petsa ng mga special occasions sa inyong relasyon, mas lalo ka niyang mamahalin. 

Ang babaing Pisces at sex

Dapat ding isipin na matagal ang naging pag-iisip ng babaing Pisces bago ka niya dalhin sa kanyang silid-tulugan, dahil pinag-isipan niyang mabuti kung karapat-dapat ka nga. Subalit magiging karapat-dapat din ang iyong paghihintay dahil passionate siya pagdating sa sex.

Kahit na siya ay soft at romantic, magugustuhan niya ang lahat ng iyong pantasya dahil nais niyang inihahatid sa ibang mundo ng reyalidad. Subalit huwag siyang subukan at puwersahin sa anumang bagay na hindi niya gusto.

Sinisimbolo ng isda, ang babaing Pisces ay lubhang emosyonal at nararamdaman ang lahat ng bagay sa mataas na antas kaysa iba, kaya madaling ma-upset ang kanyang tender personality. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here