Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Libra

0
180

Ang pinakamahalagang bagay sa babaing Libra ay ang balanse. Kaya kung interesado na maka-date siya, napakahalaga na mapanatili ang pagkakasundo sa inyong relasyon. Maging handa na magsumikap tulad niya na umiwas mula sa drama o mga sandali na hindi kayo komportable, dahil hindi siya titigil hanggang mawala ang mga ito.

Ang isang bagay na napakahusay sa babaing Libra ay ang kanyang unassuming nature. Siya ay mahilig makipagkapwa at masayahin at laging maluwag sa kanyang sarili at mga taong nakapaligid sa kanya. Madali niyang makapalagayang loob ang iba’t ibang uri ng tao kaya ang pakikipag-usap sa kanya ay madali lamang.

Ang babaing Libra ay hindi basta gumagawa ng desisyon, kaya kailangan nila ng panahon upang pag-isipan itong mabuti. Huwang kang  masaktan dahil ang zodiac sign na ito na kinakatawan ng timbangan  ay ibig sabihin ay kailangan niyang tingnan ang parehong side ng isyu bago siya pumili. Ang love compatibility ay pangalawa lamang.

Libra Woman In Relationships

Kung may isang bagay na tunay na masaya ang babaing Libra ay ang kagandahan, kaya maaaring dalhan siya ng bouquet of flowers o kaya ay dalhin siya sa isang eleganteng restaurant. Pahahalagahan niya ang magandang kapaligiran at class na kapaligiran, at malamang na magkaroon pa kayo ng second date.

Subalit huwag magtaka kung may makita siyang ibang tao na kakilala niya, dahil isa siyang social butterfly at malawak ang kanyang hanay ng mga kaibigan. Sa katunayan, mabilis mo silang makikilala kaya subukang i-impress sila sa pagpapakita kung paano mo pinahahalagahan ang kanilang kaibigan.

Ganoon din sa kanyang pamilya, ang babaing Libra ay karaniwang malapit din sa kanila. Ang paglalaan ng panahon sa kanila ay malayo ang mararating sa pagbuo ng relasyon sa iyong nais na Libra at magpapakita ito na totoong seryoso ka sa iyong hangarin sa kanya.

Ang babaing Libra at Sex

At kapag nakarating ka na sa kanyang bedroom ay maging handa sa mentally stimulating na pagsasama, dahil bilang isang air sign ay mas interesado siya sa karanasang emosyonal kaysa sa pisikal. Ang babaing Libra ay masaya sa mind games, fantasy at role play kaya magdala ng mga malikhaing ideya. Kailangan niya ng tamang setting, tamang mood at tamang lover para sa kumpletong kasiyahan.

Kaya gamitin ang oras upang makumpleto ang mga nais niya. Dahil nais niya ng balance sa lahat ng oras, nais niya na ang lahat ay nasa ayos bago ninyo simulan ang mainit na pagyakap sa isa’t isa. At lahat ng ito ay karapat-dapat dahil lubhang alam niyang bumuo ng pinaka-masayang sekswal na pagniniig ninyong dalawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here