Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Leo

0
196

Ang maging interesado sa babaing Leo ay hindi kataka-taka dahil isa siyang charmer! Maganda, matalino at nakatutuwa siya ay may daynamikong personalidad na nakahahatak ng atensyon saan man siya magtungo. Kung nais na i-date ang babaing Leo, maging handa sa fast and furious ride dahil iyon lamang ang tanging paraan niya.

Ang pinakamabisang paraan upang makuha ang atensyon ng babaing Leo ay ang makiisa sa grupo na nakapalibot sa kanya. Ang babaing Leo ay masayahin at mahilig sa flirting at maraming lalaki na handing kunin ang kanyang atensyon. Kung ikaw ang magwawagi sa kanyang mga manliligaw, isang mabisang paraan upang manatili ang mata niya sa iyo ay ang pakikipag-usap sa kanya upang mapukaw ang kanyang talino.

Ang babaing Leo sa relasyon

Ang zodiac na Leo ay may sariling personalidad kaya ang pagpokus sa kanyang interests at mga layunin ay ang pinakamainam na paraan para makuha ang second ate. Subalit huwag mag-alala na maramdamang parang naiiwan ka sa relagyon – lubhang mapagbiga siya sa kayang oras at atensyon.

Reyna ng kanyang kaharian, ang babaing Leo ay ibibigay sa iyo ang pakiramdam ng isang hari kung magagawa mong makipagsabayan sa kanyang aktibong pamumuhay. At sadyang hindi siya tumitigil sa isang lugar o nananatili na lamang dahil siya ay laging abala at puno ng ambisyon. Lumalago siya sa kapangyarihan at laging naghahahnap ng oportunidad.

Hayaan din siyang pumili ng mga ideya para sa inyong date, dahil siya ay isinilang upang manguna. Maaaring makontrol niya ang inyong relasyon ng hindi mo ito namamalayan, subalit siguraduhin pa ring mag-stand up sa kanya paminsan-minsan. Ang babaing Leo ay kailangan ng malakas, may kumpiyansang kapareha na makakasama niya sa paghahari sa mundo.

Ang babaing Leo at sex

Ang kumpiyansang ito ay dala niya maging sa bedroom, dahil siya ay maalab at passionate sa love making. Ang babaing Leo ay kailangan ng kaparehang maibabalik ang kanyang init at pangangailangan sa pagmamahal nang higit pa sa kaya niyang gawin. Ayaw niya ng nakababagot na sex, bagkus aasahan niya ang kakaibang pakikipagtalik tulad ng mga pakikipagsapalaran niya sa buhay.

Lagi niyang hihilingin ang iyong buong atensyon, kaya maging handa sa lahat ng pagkakataon na ibigay ito sa kanya. Kapag ginawa mo iyon, higit din ang balik nito sa iyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here