Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Gemini

0
211

Ang pakikipag-date sa isang Gemini, na sinisimbolo ng Twins, ay magpapanatili sa iyong laging on the go. Paiba-iba ang  kanyang naiisip tulad lamang ng kanyang pagbabagu-bago ng mood. Subalit kung kaya mo ang mga pagsubok na ito, dadalhin ka niya sa isang masayang relasyon.

Dahil ang kanyang isipan ay laging naglalakbay ang tanging paraan upang makuha ang atensyon ng air zodiac sign na ito ay ang sumali sa konbersasyon. At siguradong sasali ka sa maraming bagay, dahil ang babaing Gemini kaylanman ay hindi nag-iisa. Napapalibutan siya ng mga kaibigan, pamilya, kakilala o maging ang ex na nananatili ang contact niya dito.

Ang babaing Gemini sa relasyon

Kung masusundan mo ang kanyang naglalakbay na katalinuhan at mapanatili ang mahusay na pakikipag-usap na orihinal na sinimulan ng babaing Gemini , hindi lamang first date ang maaaring ipagkaloob niya sa iyo. Siguraduhin lamang na hindi nagiging kabagut-bagot ang inyong usapan. Dahil walang bagay na nakatatamad sa babaing ito.

Ang babaing Gemini ay bukas ang isipan, kaya maaaring kalmadong dinner o movie time ay magkaroon kayo, subalit sa susunod ay siguraduhing exciting na ang inyong gagawin. Hindi gaanong mahalaga sa kanya ang regalo, dahil siya ay action girl, kaya ang ticket sa masayang concert ay mas nais niya.

Bigyan mo siya ng mga karanasan at nanaisin niyang kasama ka sa mga bagay na ito. Hahamunin ka niyang mapanatiling bago at exciting ang mga bagay sa pagitan ninyo, dahil madali siyang mabagot.

Ang babaing Gemini at Sex

Lubhang kakaibang karanasan ito, dahil ang babaing Gemini ay handa sa anumang bagay. Bagong laro, bagong teknik, bagong mga posisyon –sabihin mo, at nakahanda siyang subukan ito. Kailangan niya ng kaibahan upang mapanatiling stimulated ang kanyang isipan, kaya huwag mag-alala sa mga physical stuff.

Ang pinakamainam na gawin ay panatilihin siyang mentally engaged na may kasamang fantasy o role playing at ang iba pa ay susunod na. Gayundin, maaaring nais niyang makipag-sex sa iba’t ibang lugar, kaya maging handa ka.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here