Mga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Aquarius

124

Kung naghahanap ng conventional na relasyon, ang babaing Aquarius ay hindi tamang babae sa iyo. Kakaiba, may karisma at matalino, laban siya sa lahat ng tradisyon at bumubuo ng sariling sense of logic. Wala siyang pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba sa kanyang mga ginagawa.

Upang mahuli ang atensyon ng babaing Aquarius ay magsimula ng pakikipag-usap sa kanya tungkol sa mga isyu sa lipunan at mga pangyayari sa mundo. Madalas na isa siyang humanitarian na naghahanap ng paraan upang gawing mas maganda ang mundo, kaya naman puno siya ng mga makabagong ideya. Kahanga-hanga ang kanyang talino at hinahamon niya ang sinumang lalaki na tuklasin ang lalim ng kanyang kaisipan.

Hindi ka mauubusan ng pag-uusapan kapag kasama ang babaing Aquarius. At huwag mangamba kung minsan ay parang wala siyang gana o nasa malayo ang isipan dahil sadyang hindi siya emosyonal na babae. Para sa kanya, ang lahat ay tungkol sa pagpapalawig ng kaalaman. Ang kanyang damdamin ay kadalasang hindi iniuugnay pagdating sa love compatibility.

Babaing Aquarius sa relasyon

Kung makasasabay sa kanyang malalim na kaisipan ang babaing Aquarius ay tatanggapin na makipag-date sa iyo. Siguraduhin lamang na hindi ito ang karaniwang dinner o move, maliban na lamang kung ito ay foreign restaurant at ang movie ay isang dokumetaryo. Anumang nagpapalawig ng kanyang kaisipan ay interesado siya.

Kaya kung nais na maging seryoso sa babaing Aquarius ay dapat na maging tapat sa iyong intensyon, dahil hindi siya laging nag-iisip tungkol sa hinaharap na kasama ang kanyang kapareha. Hindi niya gaanong pinahahalagahan na maging seryoso sa kapareha, at maaaring wala ang kasal o pagkakaroon ng anak sa kanyang isipan. Ang pakikipaghiwalay ay madali lamang sa kanya.

Hindi naman sinasabing ang lahat ng babaing Aquarius ay ganoon ang pakiramdam, subalit huwag masorpresa kung iba ang kanyang kaisiapan sa tradisyon pagdating sa relasyon. Ayaw niya ng mga tradisyonal na kaisipan at aksyon.

Nais niya ng buhay at intelehenteng pakikipag-usap, ibigay mo ito sa kanya at siguradong magkakaroon siya ng interes sa iyo at sa maaaring maging relasyon ninyo.

Ang babaing Aquarius at sex

Totoo din ito pagdating sa kama, kung saan ang babaing Aquarius ay kailangan mapukaw ang kanyang mentalidad upang maging masaya siya. Hindi siya passionate o emosyonal. Naghahanap siya sa karanasang gigising sa kanyang kaisipan at magpopokus sa kanyang atensyon, kaya subukan ang ilang mind games o kaya ay role playing.

Anumang pantasya na makapupukaw sa kanyang sense of adventure at magpapanatili na kawili-wili ang mga bagay ay magpapanatili upang maging engaged siya sa inyong pagniniig. At huwag mag-aksaya sa mga iba’t ibang teknik dahil hindi niya gaanong pinahahalagahan ang phusical pleasure.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here