MGA DAKO SA DAIGDIG KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG ‘7 TOWERS OF SATAN’ (Huling Bahagi)

Muli po nating ipagpatuloy ang karugtong ng artikulong ito na bubuo sa kung anu-ano ang mga lugar kung saan matatagpuan ang ‘ towers of Satan.

Ang ‘Ikaapat na Tower’ ay ang Mesopotamia at Sumer— ang bansang Iraq sa kasalukuyan at ang ka-boarder nito ay ang Syria. Isa ang Iraq sa mga lunan na pinagmulan ng matandang sibilisasyon sa daigdig, kung saan dito tumira ang sinaunang mga taong marurunong o noong panahong Neolithic. Sa lupaing ito natagpuan ng mga archaeologists ang kamangha-mangha templo na gawa ng mga tumira sa nabangggit na pook. Na ang mga disenyo ng mga kakatwang iskultura at frescoes na may kinalaman aniya demonic culture.

Ang Sumerian legend na ‘Gilgamesh’ ay sinasabing naging basehan ng pagkakasulat umano ng Biblia. Lumalabas na iniba ng Biblia ang talaga aniyang nangyari kung pagbabatayan ang nakasulat sa nasabing aklat. Ang legendary Babylon tower o nawasak na ‘Tore ni Babel’ ay dito rin itinayo— at sa pook ding ito namatay si ‘Alexander the Great’ sa edad na 32-anyos.

Ang Ikalimang’tower of Satan’ ay ang Turkestan. Ibinibilang din ang Asian republics ng USSR. Matatagpuan sa naturang area ang Victory Peak na may taas na 7439 metro ay siyang pinakamataas na point ng Tien Shan— ay isa sa pinaka-deadliest mountains sa mundo. Maraming tao na ang namatay sa pag-akyat sa naturang bundok at kakatwang hindi na natagpuan ang kanilang mga labi.

Ang Tien Shan ridges ay binubuo ng sedimentary, metamorphic at igneous rocks ng Paleozoic at Precambrian. Bago pa nabuo ang ating planeta, ang nasabing area ay seabed. Sa isang bahagi ng Victory Peak, malapit sa taluktok nito ay mayroong kakatwang formation, kung saan tinatawag ito ng mga climbers na ‘Obelisk’.

Ang Ikaanim at Ikapitong ‘towers of Satan’ ayon kay Genon ay matatagpuan aniya na malapit sa Urals o sa kanlurang bahagi ng Siberia. Kabilang sa mga miteryo ng Siberia ay ang sinasabing ‘Spirit Lake’ na isang kakatwang lawa na kumikislap ang paligid. Bagama’t kahali-halina ang kinang nito, naghahatid naman ito ng kamatayan sa mga taong magagawi sa bungad nito. Ayon sa pananaliksik, sa halip na tubig ang nasa lawa ay mercury ang nandoon. Dahil sa industrial needs, ginagamit ng may kaya ang field nito— na pinaniniwalaang lunan o isa sa lagusano hole ng earth’s crust.

Sinasabi na ang Lake Baikal ay isa sa site ng rift fault gaya ng Sudan at Syria. Maraming mga misteryosong lugar na kinapalolooban ng ancient legends at pagiging maunlad ng  nasyon, gayundin ng mga indibidwal na itinuturing na bayani,  ang nasabing area. Kabilang na rito ang great Turkic hero na si Kul-Tegin.

Sa edad na 16-anyos, nagsimula na si Tegin sa paglusong sa militar. Kalaunan, naging matagumpay siyang strategist at military Commander sa edad na 16. Pagkalipas ng ilang siglo, ang mga sinaunang alphabet character ay dinala ng halos walang nabago sa Scandinavia ni Odin, ang Supreme Ace.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here