Mga Dahilan ng Pagsuko ng Babae sa Isang Relasyon

0
46

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Bakit nga ba may mga babaeng sumusuko sa isang relasyon? Nasasagad na nga ba talaga ang kanilang pasensya at pang-unawa o sadyang nagbabago lang ang kanilang damdamin? Maaaring pareho ang sagot. Alamin natin ang kanilang mga hugot sa usaping pagsuko.

1.Kahirapan. May mga naniniwalang hindi nakakabusog ang pag-ibig. Kung sa umpisa ay paniniwalaan ka niya sa iyong mga pangakong kaginhawahan, sa bandang huli at hindi mo ito natupad ay magsisimula na siyang manlamig sa’yo. Lalo na at wala kang stable job tapos dumating pa yung time na nagkasabay pa kayong nawalan ng trabaho. Gutom ang aabutin nyo kaya kapag nakakita siya ng ibang makakapag-ahon sa kanya sa hirap ay malaki ang posibilidad na mas piliin niya ito kaysa sa’yo dahil suko na siya sa kahirapang inialay mo. Hindi naman lahat ng babae ganito. May mga babae pa rin na nananatili ang pagtitiwala sa kakayahan ng kanyang kabiyak sa kabila ng kanilang paghihirap.

2.Paulit-ulit na pambababae. Ilang beses na ba natin nabasa ito at napanood sa mga palabas pero tulad ng paulit-ulit na kuwento ng buhay ay hindi rin tayo magsasawang ulit-ulitin na maisulat ito hanggang sa maintindihan ng lahat ng kalalakihan na may hangganan din ang pagtitiis ng isang babae sa karelasyon niyang babaero. Yung tipong paldahan mo lang ang poste ay papatusin na . Kung sa una ay pinatawad ka, ganoon din sa pangalawa, huwag ka ng pumangatlo dahil susuko na siya at sa kangkungan na ang bagsak mo.

3.Bisyo. Ang bisyo sa alak, sugal lalo na ang droga ay tulad din ng pambababae. Nakaka-adik at napakahirap iwasan. Kaya naman ang mga babaeng may karelasyon na nasa ganitong sitwasyon ay dusa ang inaabot. Ang mga ganitong klase ng lalaki kasi na sagad sagaran sa kanilang bisyo ang siyang madalas na sinusukuan. Kaya beware boys dahil baka sa sobrang pagkalibang mo sa’yong mga bisyo ay wala na pala si misis o si girlfriend sa tabi mo.

  1. Pananakit. May matatag ka ngang trabaho, wala kang bisyo at lalong wala ka ring babae, pero habit mo naman ang manakit ng pisikal sa iyong kapareha , malamang wala rin kayong magiging forever. Hahantong din si girl sa pagsuko kahit mahal ka pa niya dahil hindi niya pinangarap na maging punching bag mo lang sa tuwing gusto mo siyang paglaruan.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here