Mga Dahilan Kung Bakit Nagseselos ang Isang Lalaki

0
135

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa babae at lalaki, ang kalimitang nagseselos ay babae pero ang totoo mas higit na seloso ang mga lalaki. Mas matindi sila magselos to the point na makakagawa sila ng karahasan dahil dito. Pero ano nga ba ang mga posibleng dahilan kung bakit nagseselos ang isang lalaki? Himayin natin kung ano ang pinanggagalingan nito.

Narito ang ilan sa mga dahilan.

1.Kapag ang isang lalaki ay lumaki sa isang magulong pamilya na ang kanyang ama at ina ay harapan niyang nakikitang nag-aaway dahil sa ibang lalaki o babae. Halimbawa kung ang kanyang ama ay babaero o kaya naman kung ang kanyang ina ay nagkaroon ng affair sa iba. Kapag ang mga sitwasyon ito ay nasaksihan niya, nabubuo at tumatatak sa isip niya ang ganitong pangyayari. Aakalain niya na lahat ng relasyon ay dumaraan sa ganitong senaryo. Kaya ang kanyang tiwala ay hindi ganoon ka-solid kapag pumasok na siya sa isang relasyon. Hindi niya ito maibibigay ng buo dahil sa takot niya sa kanyang mga nasaksihan sa nakaraan ng kanyang mga magulang.

2.Once na ang nasaksihan niyang pagtataksil ng mga magulang sa isa’t-isa ay naranasan niya mismo sa kanyang naunang relasyon, ang mas higit na magsa-suffer nito ay ang susunod niyang karelasyon. Kung kalahati lang ang naibigay niyang tiwala sa nauna, sa pangalawa ay magiging ¼ na lang dahil nadala na siya. Kaya konting kibot at konting pagkakamali ay makakaramdam siya ng pagseselos. Iniisip niya na anytime ay maaari siyang palitan ng kanyang kapareha kapag nakakita ito ng mas higit sa kanya tulad ng nauna niyang kapareha.Pakiramdam niya ay gagawin din nito ang ginawa sa kanya ng una.

3.Ang kawalan ng tiwala sa sarili ay isa rin sa dahilan kung bakit nagiging seloso ang isang lalaki. Yung tipo na wala siyang lakas ng loob para ipakita sa’yo ang kanyang halaga dahil siya mismo ay hindi niya nakikita iyon. Palagi niyang tinatanong ang sarili kung ano ang meron sa kanya na dapat niyang ipagmalaki. Kaya palagi ka rin niyang tatanungin kung bakit mo siya minahal. Ang tanong niya sa sarili ay ipapasa niya sa’yo at kapag hindi mo ito nasagot ay magkakaroon agad siya ng pagdududa na baka wala ka naman talagang nagustuhan sa kanya at may iba kang gusto,yung ideal man para sa’yo. Lalo na kung ang hitsura niya ay hindi kaguwapuhan.

4.Kapag may mas maganda kang trabaho kaysa sa kanya, maraming papasok  sa isip niya na hindi naman niya dapat isipin. Tulad kung ano ang hitsura ng boss mo baka mas guwapo kaysa sa kanya, may kaopisina bang nagkakagusto sa’yo, o may natitipuhan ka ba sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Mga walang kuwentang tanong sa isip na ang dahilan ay insecurity. Insekyuridad na nauuwi sa seryosong pagseselos kahit wala namang pagseselosan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here