Mga Dahilan Kung Bakit Mahal Natin Ang Alagang Aso

0
140

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Nakakapagtaka ba kung may mga taong nahuhumaling sa kanilang alagang aso o labis ang pagmamahal nila rito? Sa palagay ko’y hindi. Sa sobrang dami ng dahilan kung bakit nila minamahal ng lubos ang kanilang aso, no doubts ay iba talaga ang magiging koneksyon ng puso nila rito. Narito ang ILAN lamang sa mga dahilan kung bakit itinuturing na nilang parang isang tunay na tao ang alaga nilang aso.

MABUTING KAIBIGAN

Given na ito. Alam na nating lahat na ang isang aso ay posibleng maging isang mabuting kaibigan kung ituturing mo rin ito na isang kaibigan. Madali namang kuhanin ang loob ng aso. Pakitaan mo lang ito ng maganda, pakainin ng maayos, itrato ng tama, siguradong mahuhulog na agad ang loob nito sa’yo at makukuha mo na ang loyalty na gusto mo na kung minsan ay hindi mo matagpuan sa mga kaibigan mong tao.

MABUTI PARA SA KALUSUGAN

May pag-aaral na ang mga tao na nag-aalaga ng aso ay may mas mahabang buhay kaysa sa hindi. Sinasabing nakatutulong ang aso sa pagpapababa ng panganib sa sakit sa puso dahil nakakatulong sila sa pagpapabuti ng kalagayan ng puso sa pamamagitan ng ehersisyo ng paglalakad. Kapag inilalakad mo ang iyong aso ay narerelaks na rin ang iyong pakiramdam, dahilan para bumaba ang iyong blood pressure. Kapag naman nakikipaglaro ka sa kanya, ay napapataas nito ang brain’s level of dopamine at serotonin, ang mga ito ay parehong neurotransmitters na may kaugnayan sa kasiyahan at katahimikan. Sinasabi rin na ang aso ay may kakayahan na maamoy ang cancer sa tao.

MAPAGMAHAL

Alam nyo ba na mas mahal pa ng aso ang kanyang amo kaysa sa kanyang sarili? Maraming beses na itong napatunayan kung paano inililigtas ng aso ang kanyang amo sa kapahamakan kahit pa nangangahulugan ito ng sarili niyang kapahamakan. Unconditional love ang tawag doon. Kung may alaga kang aso, sa simpleng pagkawag pa lamang ng buntot nito, paghalik sa’yo sa pamamagitan ng kanyang dila sa tuwing sasalubungin ka sa iyong pagdating sa bahay ay mararamdaman mo na kung gaano ito kasaya na makasama ka. Hindi lang ito para sa pagkain kundi isang damdamin na nagkokonekta sa inyong dalawa.

MAPAGKAKATIWALAAN

Kung minsan mas mapagkakatiwalaan mo pa ang isang aso kaysa sa taong minamahal mo. That’s life. Mapanghahawakan mo ang loyalty nito sayo. Handa kang proteksyunan mula sa ibang tao na magtatangka ng hindi maganda sa’yo. Kaya naman feeling safe ka kapag nasa tabi mo ang alaga mong aso.

Ilan lamang ang mga ‘yan sa mga dahilan kung bakit minamahal natin ang alaga nating aso. At sa panahon na kailangan nating malayo sa kanila ay hindi natin napipigilan ang maging emosyonal dahil hindi man nakakapagsalita ang aso ay ramdam natin sa kilos nito kung gaano rin ang bigat ng kanyang damdamin sa oras ng pagkakalayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here