Mga Dahilan Kung Bakit Lumalamig Ang Isang Relasyon

0
290

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Lahat ng relasyon sa umpisa ay mainit. Walang kasing init na halos masunog ka na sa pag-aalab nito. Pero bakit nga ba lumalamig ang isang relasyon? Kadalasan ang tanong sa sarili ng mga taong nakakaranas nito ay “saan ba ako nagkulang?” O di naman kaya’y “Saan ako nagkamali?” Maraming pagkukulang at mga pagkakamali na maaaring nagagawa natin ng hindi natin namamalayan kung kaya naman nawawala ang init sa ating relasyon. PANAHON, ang isang factor na dapat nating bigyan ng pansin.Kung ikaw ba ay nagkukulang dito para ibigay sa iyong mahal. Dapat mong ibigay ang atensyon na nararapat para sa kanya. Kung ang kakulangan sa panahon ay nagiging sanhi ng paglamig ng relasyon, ang pagkakaroon naman ng labis o sobra-sobra nito ay hindi rin nakabubuti. Dapat mo ring bigyang pansin ang iyong mga PRAYORIDAD. Kadalasan ang bawat individual ay may kanya-kanyang prayoridad sa buhay. Kung ang iyong karelasyon ay nasa huli sa listahan ng iyong mga prayoridad sa buhay ay huwag kang umasa na mananatiling mainit ang inyong relasyon. PAGBABAGO. Ang lahat daw ay nagbabago, hindi lamang ang lugar, sitwasyon kundi maging ang damdamin ng isang tao. Kung minsan may dahilan kung minsan naman ay wala kundi dala lamang ng hiwagang bumabalot sa salitang pag-ibig. Kung kusa itong umusbong sa iyong puso ay kusa rin itong mawawala sa hindi malamang dahilan.

Kung ganon ang paglamig ng isang relasyon ay nakasalalay sa dalawang magkapareha. Sa oras na ang isa sa kanila ay makaramdam ng panlalamig , may magagawa pa nga ba ang isa pa? Maaari siyang sumubok ng mga bagay na makapagpapabalik sa maganda nilang romansa subalit hindi nito magagarantiyahan ang kasiguraduhan ng kanilang relasyon. Dahil kung totoo na ang mga tao ay may nakatakdang tadhana, maaaring hindi ikaw ang nasa dulo niyon para sa kanya kung kaya’t ang pagiging malamig ng inyong relasyon ay isang dahilan lamang para magwakas ito at makadiretso siya sa tunay niyang kapalaran at ganoon ka rin. 01000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here