Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Nagiging Maayos Ang Pag-uusap

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Kadalasan, kung meron tayong problema sa isang tao ay gusto na lang nating daanin sa isang mabuting usapan. Yung tipong makikipag-usap tayo ng harapan para makipag-ayos o matuldukan anuman ang naging hindi pagkakaunawaan. Pero bakit nga ba may mga pag-uusap na sa halip na maayos ay lalo pang gumugulo at lumalala?

MATAAS NA TONO NG BOSES

Unang-una na rito ay ang paraan kung paano kausapin ang isa’t-isa. Halimbawa ikaw ay nakipag-usap upang makipag-ayos, pero kapag may nasabi siya na hindi mo nagustuhan, sisingit ka at parang automatic na tataas agad ang iyong boses.O kaya ay feeling mo hindi niya iniintindi ang sinasabi mo kaya lalakasan mo ang iyong boses para mas marinig at maintindihan ka niya pero sa halip na maintindihan ka niya ay iisipin niya na lalo ka lang nagalit.

AYAW PAKINGGAN ANG KABILANG PANIG

Yung nagset ka ng pakikipag-usap para magkaayos kayo pero mukha namang wala kang balak na pakinggan ang anumang sasabihin niya dahil ikaw lang ang siyang kuda ng kuda. Puro ka explain para sa side mo at kung magsalita man siya ay agad mong babarahin at igigiit ang sa’yo. Sa ganitong style mo, tiyak na walang patutunguhan ang pag-uusap nyo kundi karagdagang gulo.

ANG DAMING PANIG NA PINAKIKINGGAN

Sa paraang ito naman na may role ang mga sawsawera ay malabo rin kayong magkaayos ng iyong kaalitan o katampuhan dahil sa dami ng bibig at opinyon na iyong pinakikinggan. Kesyo sabi ni ganito ni ganyan e ganoon. Tulad mo ay may team sawsawera rin ang kabilang panig na siya rin niyang pinakikinggan kaya naman sa halip na magkaayos ay lalo lang kayong magkakainitan.

Upang maiwasan ang mga ganitong senaryo sa pakikipag-usap dapat nating tandaan na kung dalawa lang kayong may hindi pagkakaunawaan ay kayo lamang din dalawa ang dapat mag-usap para tuldukan ito. Iwasan ang hindi magandang tono at malakas na boses. Bigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang isa’t-isa at unawaing mabuti ang sinasabi ng bawat panig. Huwag makinig sa kahit na anong kuda ng iba lalo na kung alam nyo na ang intensyon nito. Sa ganitong paraan lamang magiging maayos ang inyong usapan na magwawakas sa pagpapatawaran at lubos na pagkakaunawaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here