Mga Dahilan Kaya Masasabing Karapat Dapat Mahalin Ang Taong Libra

Ang mga taong ipinanganak ng Setyembre 23 hanggang Oktubre 23 ay nasa ilalim ng Libra kaya naman masasabing siya ay napakasuwerte at karapat-dapat talaga siyang mahalin sapagkat nasa kanya ang lahat ng mga katangian na talaga namang aasamin ng marami at kinaiinggitan ng ibang tao. Kung anu-ano iyon ay ating tatalakayin sa artikulo natin ngayon.

Una, kagandahan. Hindi lang sa panlabas na anyo masasabing maganda ang mga taong Libra, pati na rin ang kanilang kalooban Sa pamamagitan tuloy nito ay mas nagniningning ang taglay niyang kagandahan o kapogian. Kapag kasi mabuti ang puso mo ay nagri-reflect iyon sa kanyang hitsura.

Pangalawa, naniniwala sa pag-ibig. Ibig sabihin, kapag nagmahal siya ay iisa lang. Hindi siya iyong tipong naglalaro lang sa pag-ibig. Seryoso siya kung magmahal kaya naman nagagawa niyang panindigan hanggang sa huling hininga niya ang katagang ‘I do’.   At kung hindi sila nagkatuluyan ng mahal niya ay minamabuti pa niyang tumandang dalaga o binata. Para kasi sa kanya, hindi natuturuan ang puso.

Pangatlo, suwerte sa pera. Ang kapalaran nila ay makapaglakbay sa iba’t ibang panig ng mundo dahil nga sila ay nasa air sign. Kaya naman sila rin ang mga taong kahit hindi gaanong mag-effort ay nagkakaroon na pera. Kung sasapian pa siya ng espirito ng kasipagan talagang  mas gaganda ang kanyang buhay.

O. Libra ba ang iyong mahal? Kung sasabihin mong ‘oo’, magiging mapalad ka na rin dahil habambuhay kang magiging masaya sa kanyang piling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here