Mga Dahilan kaya Laging Walang Pera ang Pinoy

Mahirap kasi ang buhay dito sa Pilipinas. Ito ang reklamo ng ating mga kababayan kapag sila ay natatanong kung bakit lagi siyang walang pera. Sa kabilang banda, talaga naman kasing mahirap ang buhay dito sa Pilipinas. Bukod sa mahal na ang mga bilihin, mababa pa ang sahod. Kaya nga karamihan sa atin ay pinipili na lang na mangibang bayan sa pag-asam na mababago ang kanilang kapalaran.

Lahat nga ba ng may kapamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa ay talagang yumayaman? Marami akong kakilalang nag-abroad pero di pa rin rason iyon para masabi kong umangat na ang kanilang buhay. May mga pagkakataon nga na ang kapamilya nila ay naghihikaos pa rin.

Sa artikulong ito ay aking tatalakayin ang Mga Dahilan kaya Laging walang pera ang Pinoy.

Una, likas sa atin ang pagiging gastador. Kapag kasi may hawak tayong pera, ang lagi nating iniisip ay mayroon tayong gustong bilhin. Wala na tayong pakialam kung mahal ba iyon o di naman natin mapapakinabangan nang matagal. Ang importante, makuha natin ng ura-urada ang ating gusto.

Pangalawa, mayabang tayo kapag may pera. Nais natin ipakita sa mga tao na may pera tayo kaya palagi tayong nanlilibre. Kung minsan pakiramdam natin, iginagalang tayo ng lahat kapag may pera tayo kaya enjoy na enjoy tayong manlibre. Kaya lang, bigla rin tayong mananahimik kapag wala na tayong madukot sa bulsa.

Tama o mali, madlang pipol?

Kaya, kung ayaw mo talagang mawalan ng pera, matuto kang magtipid at isipin ang kinabukasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here