Mga Da Best Na Pampakalma

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Kahit gaano pa kabait ang isang tao, darating at darating siya sa point na tila nasasagad na siya at parang sasabog na sa sobrang inis at galit kapag nalagay siya sa hindi katanggap tanggap na sitwasyon. Lalo na kung ikaw yung tipo ng tao na may maigsing pasensya. Pero sa mga ganitong pagkakataon ay meron namang mga da best na pampakalma. Narito ang ilan sa mga ito na pwede mong pagpilian kung sa tingin mo ay napupuno ka na talaga at G na G ka na.

MUSIKA

Ang musika ang isa sa mga da best na pamkalma. Kapag kasi tayo ay nakikinig ng mga favorite songs natin ay gumagaan ang ating pakiramdam. Lalo na kung sa paborito nating kanta ay may naaalala tayong tao na nakakapagpangiti sa atin.

PAGKAIN

Diet man o hindi, may mga tao na kapag nalulungkot ay pagkain ang pinagbabalingan. Gayundin ang mga taong galit. Halimbawa, ang isang kaibigan ay nasa gitna ng kanyang pagkabalisa o kaya naman ay mainit ang ulo, ikaw bilang isang kapamilya o kaibigan ay aayain siyang kumain sa labas o bilhan siya ng paborito niyang pagkain para naman mabawasan yung stress niya. At pwedeng ikaw mismo ay ganun ang ginagawa mong pagpapakalma sa sarili mo. Yung tipong bigla kang mapapa-order ng pizza!

ALAGANG HAYOP

Meron din namang mga tao na ang ginagawang pampakalma ay ang kanilang mga alagang hayop. Halimbawa ang isang pet owner ay umuwi ng sobrang init ang ulo dahil sa stress sa trabaho, ang alagang hayop agad niya ang kanyang hahanapin upang marelieve siya.

KAIBIGAN

Kung ang dahilan naman ng init ng ulo mo ay isa sa miyembro ng iyong pamilya o kamag-anak, ang ending ay si kaibigan ang iyong tatawagan para ikaw ay kumalma. Syempre yung paborito mong kaibigan na pinagkakatiwalaan mo o ang iyong so called bestfriend.

PAINTING

Ang mga tao naman na mahilig sa arts, painting ang isa sa ginagawa nilang pampakalma. Kapag medyo nalagay sila sa hindi magandang sitwasyon ay hahawak sila ng paintbrush at ilalabas doon ang kanilang sentimyento hanggang sa makabuo sila ng isang magandang obra.

LIBRO

Sa mahilig naman magbasa, kapag mainit ang kanyang ulo o ayaw niyang kumausap ng kahit sino,libro ang kanyang hahawakan at itutuon doon ang kanyang atensyon hanggang sa makondisyon na niya ang isip at mawala na ang galit.

Napakaraming pwedeng gawin na pampakalma. Depende na lang sa isang tao kung ano ang bet niya o kinahihiligan niya para kahit pansamantala ay makalimutan niya ang stress.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

SHARE
Previous articleMga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Gemini
Next articlePositibong Karakter Ng Libra
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here