Mga Bituin Sa Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ang mga bituin ay napakagandang pagmasdan sa kalawakan. Para itong nagkalat na mga mumunting ilaw sa kalangitan. Kahit na gaano ito kalayo ay natatanaw pa rin natin ang karikitan. Kaya naman ang mga artista ay inihalintulad sa mga bituin. Tila isang pangarap na kayhirap abutin. Subalit kahit mahirap ay pilit pa ring susungkitin upang ang ganda nito ay mapasaatin. Pero kung sa panaginip natin ito masisilayan, maganda pa rin kaya ang mensaheng hatid nito?

Kapag ikaw ay nanaginip na nakakita ka ng nag-iisang makinang na bituin sa lawak ng kalangitan, maganda ang nais nitong ipahiwatig sa’yo. Lalo na kung kitang kita mo ang pagkinang nito.Ibig sabihin, Bagamat ikaw ay mag-isang haharap sa mga pagsubok na darating ay hindi ka mabibigo. Ang pagkinang ng nag-iisang bituin sa iyong panaginip ay simbolo ng tagumpay na malapit mo nang mapasakamay. Ibig sabihin ay malapit ka na sa iyong pangarap kaya kailangan mong ipagpatuloy ang pagsisikap na iyong ginagawa sa kasalukuyan. Huwag kang hihinto dahil abot tanaw mo na ito. Kahit pa anong balakid ang dumating ay kailangan mong magpatuloy kahit pa ikaw ay nag-iisa.

Kapag naman sa iyong panaginip ay nakita mo ang ilang laksang bituin, maganda rin ang nais ipahiwatig nito. Ibig sabihin ay maraming oportunidad ang naghihintay sa’yo sa hinaharap at hindi na ito kalayuan sa kasalukuyan. Subalit sa dami ng option na iyong mapagpipilian ay kailangan mo ng isang masusing pagdedesisyon kung alin ang iyong pipiliin. Dahil hindi ka pwedeng magkamali. Kung ikaw ay magkakamali ng pinili maari ring mauwi ito sa kabiguan. Kaya bago ka magpasya, kailangan mo munang pag-aralan ang bawat detalye. Dapat na mas maging matimbang ang kapakinabangan nito sa’yo at sa iyong pamilya.

Kung ang napanaginipan mo naman ay bituin na walang ningning, ito ay sumisimbolo sa kabiguang parating. Maaaring ito ay may kaugnayan sa isang relasyon o career sa trabaho na magwawakas. Maaari rin na ito ay pagpanaw ng isang kaibigan o kaanak.

SHARE
Previous articleMISTERYO SA PETSA NG KAPANGANAKAN NI JESUCRISTO
Next articleKarapatan, dapat ipaglaban?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here