MGA BATO AT KRISTAL NA NAKAGAGALING SA SAKIT NG ULO

403

Hindi man natin aminin, ang pananakit ng ulo, mula sa simpleng sakit o mabigat na migraine, nakaaapekto ito sa iba’t ibang negatibong paraan sa ating buhay. Madalas, kapag simpleng pananakit lamang ito ay binabalewala na natin, na tila ba wala itong epekto sa ating ginagawa o sa sarili.

Ang mga tipikal na gamot sa sakit ng ulo ay ibuprofen, Advil, aspirin, caffeine o kumbinasyon ng mga ito. Habang epektibo ang mga ito sa pagtanggal ng pananakit, hindi sila mga natural na pain killer. Naisip mo na ba ang paggamit ng mga kristal para sa sakit ng ulo? Karaniwan, ang sakit ng ulo ay dahil sa stress o tension sa ating trabaho, pamilya o ibang sitwasyon. Kapag nakaramdam ng pagsisimula ng pananakit ng ulo, itigil ang anumang ginagawa at ilang minutong magpahinga, at maglagay ng Kristal sa para sa pagtanggal ng pananakit sa palibot ng iyong ulo.

Ang isa sa pinakamakapangyarihang Kristal para sa pananakit ng ulo ay Selenite. Ang Kristal na selenite ay maaaring magamit sa iba’t ibang bagay, subalit ang pagpapagaling ng sakit ng ulo ay isa na hindi karaniwang naiisip. Ang mga katangian ng selenite na makapagpagaling ay ang abilidad nito na madaling maharang ang anumang nakabara o hindi kumikilos na enerhiya, upang magkaroon ng maayos na daloy ng positibong enerhiya. Maaaring isipin ang pananakit ng ulo bilang pagbara ng enerhiya, at ang selenite ang gumagawa ng paraan upang matanggal ang harang o anumang negatibong enerhiya.

Mahiga nang lapat sa sahig, maglagay ng Kristal na selenite direkta sa iyong noo at sa sahig sa palibot ng ulo. Kasama ang selenite, maaarin ding gamitin ang Amethyst crystals bilang pantanggal ng sakit. Ang amethyst ay tumutulong na tanggalin ang pananakit ng ulo, gayundin ang pagod – na kadalasang sanhi ng pananakit ng ulo. Ang mga nakapagpapagaling na batong ito ay sinasabing pinagagaling ang utak habang tumutulong na makapag-relax at makapag-alis ng stress.

Marami sa mga manggagamot ang gumagamit din ng malinaw na quartz stones at quartz crystal points para sa pagtanggal ng sakit ng ulo. Ang paggamit ng quartz point ay partikular na makapangyarihan dahil idinidirekta nito ang negatibong enerhiya at sakit palayo sa iyong katawan, at pinakakawalan ito sa pamamagitan ng point nito. Kung magkaroon ng pananakit ng ulo, subukang maupo sa tahimik na lugar at mapusyaw ang ilaw at humawak ng quartz crystal point sa iyong noo. Dapat ang flat side  ay dumadampi sa iyong noo at ang point ay papalayo dito.

Ang pinakamabisang bato na nakapagpapagamot sa sakit ng ulo ay magkakaiba sa iba’t ibang tao, at kailangang mag-eksperimento upang malaman ang pinakamainam sa iyo. Gayunpaman, ang mga batong Selenite, Amethyst and Quartz ay pinakamainam, narito ang ilan pa sa mga kristal para sa sakit ng ulo: Aquamarine, Lapis Lazuli (lalo na sa migraines), Angelite, Rose Quartz, Blue Lace Agate, Hematite, Citrine at Moonstone.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here