Mga Bata Ingatan kay Kamatayan

Hindi naman porke naisilang ka sa mundong ito ay magkakaroon ka na talaga ng mahabang buhay. Siyempre depende rin ‘yan kung magagawa mo nga bang pangalagaan ang iyong sarili at kailangan mo rin magkaroon ng ibayong pag-iingat, hindi lamang sa mga inaasahan nating mangyayari kundi sa maaaring mangyari.

Kapag nalaman natin na may malubha tayong karamdaman, ang agad na nating iisipin ay mamamatay tayo sa sakit na ito. Ngunit, kailanman ay hindi natin nagagawang isipin na maaari tayong mapahamak kapag may gusto tayong puntahan o gawin dahil nga sobra tayong nakakaramdam ng excitement sa mga gusto nating gawin.

Kaya, huwag mong asahan na porke bata pa ang isang tao ay hindi na siya maaaring magbabu sa mundong ito. Kadalasan nga ay ang mga bata pa ang kalimitang binabawian ng buhay lalo na kung sila ay nagpaabaya o ang mga taong dapat ay nangangalaga sa kanila. Kaya, kung mahal mo ang anak, pamangkin o apo mo, kailangan mong sundin ang sasabihin ko.

Kung ikaw ay may kamag-anak na ililibing, huwag kang makampante na sila lang talaga ang lilisan sa mundong ito. Maaari kasing sa kanilang paglisan ay magsama sila ng kapamilya. Kaya nga importanteng sa libing ay ihakbang mo sa ibabaw ng hukay ang mga paslit para huwag silang balikan ng namatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here