Mga Bagong Pamahiin Sa Sugal

Kung ikaw ay mahilig magsugal, ,marahil alam mo na rin ang mga lumang pamahiin na pinaniniwalaan tungkol dito. Pero kung sa kabila nito ay inaalat ka pa rin at tila may kakambal na kamalasan sa pagsusugal, subukan mo namang sundin ang mga bagong pamahiin kaugnay nito.

1.Kung ikaw ay nagpaplanong magsugal kinabukasan, kailangan mong ihanda ang iyong susuoting damit para rito. Kung dati ay pula ang itinuturing na masuwerteng kulay ng damit, ngayon ay maaari mo ring suotin ang puti. Marami na ang naniniwala na masuwerteng kasuotan ang puti sa pagsusugal. Ito ay nagpapakita ng kalakasan at katapatan kaya naman malapit ang kulay na ito sa suwerte.

2.Bago magsugal ay huwag kalimutan ang maraming barya sa bulsa o sa kahit na anong lagayan ng barya na maari mong bitbitin sa sugalan. Ang kulay silver naman nito ang siyang magbibigay ng suwerte para sa’yo. Kung ikaw ay medyo tumatagilid na sa laban, kalansingin o patunugin mo lamang ang mga baryang dala upang magising ang natutulog mong suwerte.

3.Sa umpisa pa lang ng laro ay hipan mo na ang iyong mga baraha, upang ang mga negatibong pwersa na nakadikit dito ay matanggal at masama sa hangin palayo. Kailangan mo itong hipan ng tatlong beses o higit pa.

4.Suwerte rin ang ihahatid sa’yo kung bubulungan mo ang iyong mga baraha na bigyan ka ng suwerte. Papanigan ka nito kung ikaw ay tapat na maglalaro at hindi mandaraya. Subalit kung ikaw ay may planong mandugas sa iyong mga kalaro ay kabaligtaran ng iyong hiling ang siyang ihahatid sa’yo nito.

5.Malas ang idudulot sa iyong kalaro kung magagawa mong tapakan ang baraha niya nang hindi niya namamalayan. Suwerte naman ang katumbas nito sa’yo. Pero kailangan mong mag-ingat kapag ginawa mo ito dahil kung sasablay ka at makikita nya ang pag-apak mo sa baraha niya ay magkakabaligtad ang resulta nito, siya ang susuwertehin at ikaw ang siyang mamalasin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here