Mga Bagong Pamahiin Sa Pagpapalit Ng Taon

Marami na tayong alam tungkol sa mga pamahiin tuwing bagong taon. Mga bilog na prutas, mga pampaswerteng nakasabit sa bintana at pintuan, mga matatamis na pagkain, mga pampaingay para maitaboy ang mga evil spirits at kung anu-ano pa. Bukod sa mga ito ay may mga bagong pamahiin ang nagsulputan na pinaniniwalaan na rin ng matatanda. Ito ay ang mga sumusunod.

1.Kapag oras na ng pagpapalit ng taon, huwag kang mag-iiwan ng tsinelas sa labas ng inyong bahay. Dapat ang iyong tsinelas ay nakasuot sa’yong mga paa nang sa gayon ay hindi ka maligaw ng landas sa papasok na taon. Kapag ito ay naiwan mo sa labas, nasipa at napunta sa kung saan saang sulok maaaring ikaw ay mapunta sa hindi tamang direksyon ng buhay. Kung ito naman ay nawala, ikaw ay mapupunta sa sitwasyon na hindi mo gusto.

2.Alisin ang mga bagay na nakakaharang sa inyong bintana at pintuan tulad ng mga sinampay at iba pang abubot sa pagpatak ng alas dose nang sa gayon ay malayang makalabas ang mga hindi magagandang pwersa mula sa papaalis na taon at malaya ring makapasok ang mabuting pwersa sa inyong tahanan kasabay ng papasok na taon.

3.Magsabit ng kapirasong pulang tela o pulang ribbon sa bawat sulok ng inyong tahanan tulad ng kuwarto, sala, kusina ,terrace at maging banyo. Ito ang siyang aakit ng suwerte papasok sa loob ng inyong bahay at siyang haharang naman sa mga bad spirits na magtatangkang pumasok sa pagpapalit ng taon.

4.Sa oras ng pagpapalit ng taon, mainam din na ikaw ay nakaharap sa salamin at taglay ang good vibes. Ito ay makakatulong upang sa taong darating ay marami ang tao na magtitiwala sa’yo at magkakaroon ka rin ng maraming kaibigan. Ang paraang ito ay pinaniniwalaang magpapaganda ng iyong personalidad kaya ikaw ay makakaakit ng mga tao na pagkakatiwalaan ka halimbawa sa negosyo, sa trabaho o sa pakikipagrelasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here