Mga Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Iyong Best friend

0
104

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Halos lahat ng tao ay may tinatawag na best friend o matalik na kaibigan. Ang best friend mo ay yung tao na palaging nasa tabi mo para magbigay ng suporta, pagkalinga, pag-aalala at pang-unawa. Maraming bagay kayong pinagkakasunduan at magkasundo rin kayo maging sa mga hindi magagandang bagay tulad ng mga kalokohan. Siya ang tao na makapagpapangiti sa’yo kapag may problema ka sa pamilya o sa iyong karelasyon. Pero bilang matalik na kaibigan, dapat lang na alam mo ang mga importanteng detalye sa kanya tulad ng mga sumusunod.

1.Ano ang pagtingin niya sa sarili niyang pamilya? Importanteng malaman mo kung ano ang damdamin ng iyong matalik na kaibigan sa kanyang pamilya. Siya ba yung masunuring anak o siya yung pasaway? Masaya ba siya sa kanyang pamilya o may hinanakit siyang ikinukubli sa kanila? Ang personal na damdamin ng iyong bestfriend ay dapat lang na alam mo, pero hindi para i-share ito sa iba kundi sa pagitan nyo lang dalawa.

2.Dapat mo ring malaman kung ano ang mga gusto at hindi niya gusto sa tao man o bagay. Ito ay upang malaman mo kung paano mo siya mapapasaya kahit sa simple at maliit lang na paraan. At upang maiwasan mo ring gawin ang mga bagay na alam mong hindi niya magugustuhan.

3.Mahalaga rin na alam mo kung ano ang kanyang pangarap at paano niya ito bibigyan ng katuparan. Nang sa gayon ay malaman mo rin kung ano ang magagawa mong tulong para sa kanya. Syempre naman ay gugustuhin mo na magkaroon ka ng bahagi sa pagtupad niya sa kanyang mga pangarap.

4. Kailangan mo ring malaman kung ano ang limitasyon ng inyong pagkakaibigan at kung paano niya ito pinahahalagahan.Hindi porket matalik mo siyang kaibigan ay may karapatan na siyang panghimasukan ang lahat sa iyong buhay. At ganoon din siya sa’yo. client”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here