Mga Awayan ng Kilalang Personalidad sa Social Media

Nitong nakalipas ng isang Linggo ay binulabog tayo ng mga awayan sa social media ng mga kilalang personatidad tulad nina Pokwang at Baninay, Aura at Buknoy at ang mag-asawang vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces. Bagamatm hindi magaganda ang ipinakita nilang asal ay hindi pa rin natin mapigilan na makiusyoso sa mga bagay na kanilang pinag-aawayan. At dahil doon ay hindi rin natin mapigilan ang sarili na magsabi ng iba’t ibang opinyon tungkol sa kanilang awayan.

Si Pokwang ay nagalit kay Baninay dahil naglabas siya ng video na nagsasabing ‘I am positive’ sa Covid 19 kaya naman sobra siyang nanggilalas dahil nakasama niya si Baninay nu’ng week na iyon. Kaya naman kahit na natuklasan na nilang gumaling na si Bninay noong Hulyo ay inulan pa rin niya iyo ng kung anu-anong salita na hindi maganda sa pandinig. Sa kabilang banda ay may karapatan naman talaga si Pokwang na magalit dahil ang pagkakaroon ng Covid 19 ay hindi biro. Maaari tayong makahawa at mamatay. Kaya, talagang kailangan ay maging responsable ka rin sa paglalabas ng video lalo na’t ang layunin mo ay makapagbigay ng impormasyon.

Si Aura naman ay kinagalitan online si Buknoy, sinita niya ito dahil lumabas ng walang face mask at nag-ikot ikot pa sa kanilang lugar para kumuha ng ibi-video.At ang mag-asawa naman na vlogger ay nagawa pang i-upload ang kanilang awayan sa social media dahil sa pera.. Kahit na si China naman ang gumawa nito ay nakaladkad na rin ang reputasyon ng kanyang mister na maaari talagang magwasak sa kanilang imahe. Biro mo, ang sweet sweet nila sa mga video nila tapos makikita ng lahat na nag-aaway lang sila sa pera. Ang ibig sabihin noon ay kaplastikan lang ang pinapakita nila.

Hay, kung minsan ay talagang mahirap intindihin ang tao kung bakit kailangan pang i-public ang kanilang awayan samantalang pupuwede namang gawin na lamang nilang private ang kanilang mga pag-uusap para naman hindi na magkaroon pa ng maraming sumasawsaw sa isyu.

Ikaw, ganito ka rin ba?

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here