MGA ABOT KAYANG LAPTOP PARA SA ONLINE CLASS

Asian beautiful female student study in library with laptop

1. Lenovo Ideapad 330 (14 inches) – ₱15,500

Ang Lenovo ideapad 330 14 ay dinisenyo para sa mga studyante at mga batang professional na dinadala ang kanilang laptop sa paaralan o sa office araw-araw. Mayroon itong protected finish na makakatulong upang maiwasan ang pagkagagasgas ng laptop tumutulong rin ito upang hindi masyadong uminit ang laptop na ito. Ginawa upang madagdagan ang pagiging produktibo ng isang tao, ang ideapad 330 ay pasok din sa internals na sumusuporta sa maraming gawain.

2. Asus E406SA Intel Atom x5 Processor (14 inches) – ₱14,999

Ang Asus E406SA ay isa na naman laptop na bagay na bagay para sa mga studyante o batang professional na kinakailangan ang kanilang laptop ay produktibo at madaling dalhin. Ang pagiging 17.6mm na nipis at bigat na 1.3kg, ang ganitong laptop ay pwede mong maging katuwang sa pang araw-araw na gawain. Ito ay 14 inch na computer na may 1336p x 768p resolution NanoEdge display na may nipis na 7.8mm bezels at 76.5% screen-to-body ratio para sa magandang panonood na experience.

3. Acer Aspire 3 A314-31 (14 inches) – ₱19,999

Isang budget friendly na laptop na may napakagandang specs ay ang 8th-generation 14-inch Acer Aspire 3 A314-31. Ang Acer Aspire 3 A314-31 ay mayroon 1,366p x 768 HD LCD Display panel, na tamang-tama para sa studyante, indibidwal o professional na gagamitin ito sa pang araw-araw na gawain.

4. HP Notebook 14 – ₱17,998

Isa pang medyo abot-kayang laptop na swak sa mga studyante o professionals na nagtitipid. Hindi lang maganda tignan,  malakas din ito sa signal at produktibo. Ito ay HD SVA Brightview micro-edge WLED-backlit 1366p x 768p ay napakaganda sa viewing experience

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here