Metro Manila, Balik MECQ na naman: Sino ang dapat sisihin?

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng mga medical community na pansamantalang mag-lockdown para naman mapigilan ang agarang pagdami ng virus. Ito ang dahilan kaya nakipag-meeting siya sa cabinet members nu’ng LInggo August 2, 2020.

Tulad ng dapat na asahan ay marami na naman sa ating mga kababayan ang nakaramdam ng matinding galit dahil ibig sabihin nito ay limitado na naman ang kanilang paggalaw. Kasabay nito ay ang paninisi sa gobyerno kung bakit hindi nagawang ibalik sa normal ang sitwasyon sa loob ng 5 buwan.

Ngunit, talaga nga bang dapat na isisi lang natin sa ating opisyal ang kasalanan? Maaaring may pagkukulang sila  ngunit kailangan din naman nating tanggapin na likas sa ating Pilipino ang pagkakaroon ng matigas na ulo. Alam na kasi natin kung ano ang tama at mali pero hindi pa rin natin ginagawa nang maayos. Sa halip ay ipagpipilitan pa rin natin ang ating gusto.

Hindi naman kasi aabot ng 100,000 plus ang mga taong nagkaroon ng Covid kung sa umpisa pa lang din ay sumunod na tayo. Ngunit, marami pa rin naman ang naging pasaway at hindi naniwala sa maaaring kahinatnan ng sitwasyon natin ngayon. Hindi a rin naman makakatulong kung patuloy pa tayong magsisisihan. Ang dapat nating isipin ay mailigtas ang ating sarili pati na rin ang ating kapamilya sa nakamamatay na virus na ito.

Bukod dito ay kailangan naman na tulungan din natin ang ating mga health workers na mapagaan ang kanilang trabaho. Nakakaramdam na sila ng hina at pagkapagod dahil sa dami ng taong pilit nilang inililigtas gayung malaki ang posibilidad na sila ay mahawahan ng sakit. Huwag natin silang hayaang sumuko dahil tayo  rin ang ihigit na magdurusa. Kaya ngayong MECQ, makabubuting sundin na natin ang kanilang pakiusap na huwag na tayong lumabas ng bahay parang hindi tayo magkaroon ng sakit na ito.

O, kaya mo bang sumunod?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here