Megan Young: Beauty with A Purpose

801

Si Megan Lynne Young ay ipinanganak noong February 27, 1990 sa Alexandria, Virginia kina Victoria Talde, isang Filipina mula sa Pandan, Antique at si Calvin Cole Young III, isang Amerikano. Lumipat ang mga Young sa Olongapo City, Zambales noong sampung taong gulang si Megan. Mula 2002-2005 nag-aral siya sa Regional Science High School III sa Subic Bay Freeport Zone bago lumipat ng Manila para magsimula ng acting career.

Ang unang break ni Megan ay sa second season ng talent reality search na StarStruck kung saan ay napasama siya sa top six. Ang kanyang unang acting job sa GMA ay sa Love to Love Presents: Love Ko Urok kung saan ay ginampanan niya ang role ni Meg.

Matapos ang dalawang taon sa GMA Artist Center, lumipat si Megan sa ABS-CBN. Siya ang unang StarStruck alumna na lumipat sa rival station. Unang lumabas si Megan sa youth-oriented show na “Star Magic Presents” Astigs at Abt Ur Luv. Ginampanan din niya ang role ni Shane sa Kokey, kasama si Zanjoe Marudo. Mas nakilala pa si Megan nang maging isa sa mga housemates sa PBB kung saan siya ay binansagan bilang “The Princess of Charm”. Matapos ang PBB gumanap siya bilang si Marcela sa remake ng I Love Betty La Fea.

Noong 2009, isa siya sa apat na personalities na in-introduce bilang video jockeys sa relaunching ng Channel [V] Philippines. Naging host din siya ng mga ilang shows sa Studio 23.

2012 nang magkaroon siya ng kanyang big break sa pelikulang Hiyas kasama si Zanjoe Marudo bilang kanyang love interest. Noong 2013 lumabas siya sa TV 5 dramas na Never Say Goodbye at Misibis Bay.

Bukod sa television shows, lumabas din si Megan sa mga ilang pelikula, ang isa sa mga ito ang The Reunion kung saan siya gumanap bilang si Toyang kasama ni Xian Lim. Na-nominate si Young bilang Outstanding Guest Star sa Dahsyatnya Awards 2014.

Noong March 2015, bumalik si Megan sa GMA Network nang matapos ang four-year exclusive contract niya sa ABS-CBN. Ang kanyang comeback project sa Kapuso Network ay ang pinakahihintay na pangalawang adaptation ng hit Mexicanovela na MariMar kung saan si Megan ang gumanap sa title role. Ipinareha siya kay Tom Rodriguez na siyang gumanap bilang Sergio.

Bukod sa paga-artista at hosting, sumabak na rin si Megan sa mundo ng beauty pageants. At siya ay hinirang na Miss World 2013, ang kauna-unahang Filipina na nakakuha ng titulo mula nang magsimula ito noong 1951.

Noong salantain ang Pilipinas ng bagyong Haiyan o Yolanda, bumalik si Megan sa London at sinuportahan niya ang relief drive ng daily tabloid na The Sun para sa benefit ng tyhoon survivors sa Pilipinas. Nagpunta rin si Megan sa ilang US cities tulad ng Newark, New York City at Los Angeles upang mag-hold ng fundraisers. Lumabas din siya sa TV program na Good Morning America sa ABC para mag-appeal sa donasyon. Bumisita rin siya sa Hong Kong at Indonesia bago bumalik sa Pilipinas para personal na i-deliver ang proceeds.

Dumating siya sa Pilipinas noong November 27, 2013. Sa kanyang pangalawang araw sa bansa, nagpunta si Megan sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyo tulad ng Leyte, Samar at Iloilo kung saan siya nag-distribute ng relief kasama ang Red Cross.

SOURCES (ARTICLE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Megan_Young

http://lifestyle.inquirer.net/176324/miss-world-megan-young-asks-to-continue-charity-work/

https://philnews.ph/2014/11/05/miss-world-2013-megan-young-will-continue-her-charity-on-her-second-year-with-mwo/

 

SOURCES (IMAGE):

https://philnews.ph/2014/11/05/miss-world-2013-megan-young-will-continue-her-charity-on-her-second-year-with-mwo/

http://www.journal.com.ph/lifestyle/womens-journal/miss-megan-young-still-the-world-s-most-beautiful-filipina

SHARE
Previous articleIniwan si labs kahit may taning na ang buhay
Next articleNagpakamatay ang 13 taong gulang na anak ng OFW
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here