Mayor David Navarro, Patay Sa Ambush

Ngayong biyernes (October 25) ay hindi na nga nakaligtas si Clarin Misamis Occidental Mayor David Navarro mula sa pamamaril ng apat na lalaking nakamaskara  sakay ng isang van habang siya ay sakay naman ng police vehicle para ilipat sa city prosecutor’s office upang doon i-inquest kaugnay ng reklamo sa kanya ng isang lalaking masahista. Ayon sa mga nakakita , si Navarro ay pinababa ng mga suspek na may kargada ng malalaki at mahahabang baril at nang makababa ay saka siya pinagbabaril ng mga ito.

Si Navarro ay isa sa mga alleged narco-politicians na nakatala sa listahan noong March 2019 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang halalan upang hindi na iboto ng mga nasasakupan. Sa kabila nito, si Navarro ay nanalo pa rin sa pagka-mayor ng Clarin. Nitong huwebes lang ng hapon (October 24) ay inaresto ang mayor sa loob ng Mactan Cebu International Airport  dahil sa reklamo ng lalaking masahistang binugbog niya. Ayon kay Police Major Eduard Sanchez , si Navarro ay nagpunta ng spa miyerkules ng gabi (October 23) at nagrequest ng babaeng masahista subalit wala ng available na babaeng masahista ang spa kaya lalaking masahista na lang ang ibinigay nila kay mayor. Hindi ito nagustuhan ng mayor kaya naman binugbog niya ang lalaki. Pero ayon kay Navarro, binastos siya ng masahista kaya niya ito nabugbog. Ang pangyayari ay nakadokumento sa cctv na isinumite ng mga pulis kaya si Navarro ay sasampahan dapat ng acts of lasciviousness at physical injury ngayong biyernes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here