Palmistry 150: Mayaman pero hindi happy

0
178
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan sa Palmistry 150 ang request ni Macario Lotoc .

 

Sayo Macario Lotoc,

      Bukod sa yayaman ka, ang  kaligayahan ay mapapasaiyo, ito ang  ibig sabihin ng  makakapal mong mounts sa iyong palad.

       Magandang malaman mo na  hindi dahil sa mayaman ang isang tao, siya ay awtomatikong maligaya. Ang totoo nga, mahirap nga lang paniwalaan pero mas marami sa mayayaman ang nabubuhay sa kalungkutan.

       Bakit? Dahil   sa  talagang totoo ang nakasulat sa Banal na Aklat na “kahit mapasatao ang lahat ng yaman sa mundo ,  siya ay  hindi  masaya.” Na ang gustong bigyan ng diin ay    ang mga materyal na bagay ay  hindi sapat para lumigaya ang isang tao.

      Ang isa pang totoo, lalo lang  nalulungkot ang tao habang siya ay yumayaman dahil alam niya na  sa huli ang yaman niya ay kanyang iiwan at ang kanyang lungkot  ay  nagmumula sa kanyang  kayamanan.  Kumbaga, “There is no real happiness” sa yaman.

    Sa una, hindi pa ito alam ng tao, kaya,  ang kanyang gusto ay magpayaman. At kapag mayaman na lalo pang  nagpapayaman dahil sa akala niya kapag mayamang-mayaman siya, siya ay liligaya na.

  Sa huli, masusumpungan niya na ang kanyang sarili ay hindi masaya kahit pa sobrang  yaman na niya, ito ang masaklap na kapalaran ng taong na-in love sa kayamanan.

    Pero ikaw, hindi kabilang sa kanila dahil ang kahulugan ng  “Full Mounts” sa palad ay  talagang “Full”,as in, full na full na kompleto sa yaman at sa kaligayahan.

      Narito ng ilang  paalala para sayo:

1)     Huwag mong pigilan ang sarili mo sa pagtulong sa kapwa.

2)     Huwag mo ring  iiwasan ang mga  nagsisilapit sayo na humingi ng tulong  na mga hindi mo naman  kakilala.

3)     Huwag mong isasara ang mga pintuan ng pagsasaya  na lalagay sayong harapan,. Kumbaga,  magsaya ka dahil sa nasa harap mo ang saya at ligaya.

4)     Huwag mong pagdamutan ang sarili mo sa magagandang at mga bagong bagay.

5)      Kumain ka na ikaw ay masaya.  Uminom ka na ikaw ay masaya. Kumbaga, ang mga  selebrasyon ay  isabuhay mo kapag may mga pagkakataon ka.

6)     Huwag mo ring pahirapan ang sarili  mo sa pagsunod sa mga “bawal” na hindi naman talaga bawal dahil nabasa  mo lang at nadinig sa mga sabi-sabi ng mga tao.

7)     Manatili kang positibo. Dahil ang maganda ang pananaw ay nagmumula sa taong may kaligayahan.

8)     Mahalin mo ang iyong sarili ng higit sa lahat . Dahil  hindi mo magagawa ang sinasabing utos na , “Mahalin mo ang iyong kapwa” dahil ang utos na ito ay natatapos sa “Mahalin mo muna ang iyong sarili .” 

Ang lahat ng ito ay isabuhay mo dahil ang mga ito ay mga sekreto ng kapalaran para ang tao ay mabuhay sa kaligayahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here