MAY TATLONG URI NG LASA ANG TUBIG SA BUWAN

Ravenson Biason

Ang sorpresang pagkakatuklas noong mga nakaraang taon, kung saan ay na-traced na may tubig sa buwan ay nagdulot ng positibong pananaw. Kaya naman, muling binuksan ng mga scientist ang kanilang konsepto tungkol dito.

 

Ngayon, ipinahayag ng mga mananaliksik na ang tubig mula sa buwan ay may tatlong magkakaibang lasa ayon sa ulat ng Space.com. Anila, ang tatlong uri ng tubig ay may magkakaibang lasa. Una, manamis-namis na matabang, maasim-asim (lasang tubig na nilagyan ng tawas) at matabang na medyo mapait.

Sinasabi  at hinuha ng ilan noon, na tuyo na  ang tubig sa buwan. Ngunit, ang pagtataya noong nakaraang mga taon mula sa Mini-SAR at Moon Mineralogy Mapper (M3 or M-cubed) instruments sa India’s Chandrayaan-1 moon at ang LCROSS mission ng NASA ay nagpapatunay na iyon ay mali.

Sa ngayon, nakatuklas kami ng tatlong uri ng tubig sa buwan.” pahayag ni Paul Spudis ng Lunar and Planetary Institute sa Houston, Texas. “ Mayroon kaming Mini-SAR’s thick lense na nakakakuha ng larawan ng purong ice mula sa crater ng buwan, LCROSS’s fluffy mix o paghahalo ng ice crystal at alabok, at M-cube’s thin layer na paroo’t parito sa paligid ng buwan,” dugtong pa ni Spudis.

Ang Mini-SAR ay nakatuklas ng 40 craters na ang bawat isa’y mayroong nagyeyelong tubig. (frozen water) sa lalim na 6.6 feet.

Ang uri ng ganoong tubig sa buwan ay nahahalintulad sa M3 water na natuklasan noong nakaraang taon sa maliit na deposito lamang na nasa batuhan at alikabok sa bawat itaas ng milliliters ng lunar soil. Ngunit, ang ikalawang layer ay kakaiba.

Ito’y nagtataglay ng marami pang water ice at treasure chest ng ibang mga compounds na hindi naman nila hinahanap. Ito ay may sulfur oxide (SO2), Methanol (CH3OH), at ang curios organic molecule diacetylene (H2C4). Ang naturang layer, ay natagpuan ng 0.5 metro na mas matanda pa sa ice na hinahanap namin sa surface ng buwan,”

Ang mga mananaliksik ay hindi alam kung bakit ang ilang crater ay mayroong deposito ng purong yelo. Pero, karamihan ng iba rito ay nagtataglay ng ice-soil mixture. Kaya naman, ito ay tanda na ang tubig sa buwan ay galing sa isang pinagkukuhanan. Kundi, marami pa.

Ilan sa tubig ay maaaring gawa mula sa buwan. Ang Protons sa solar wind ay nakakalikha ng kaunting deposito ng tubig sa paligid ng buwan. Ito’y sa pamamagitan ng interaction ng metal oxides sa mga bato. Ngunit, ang ilan sa tubig ay naka-deposito sa buwan, mula sa ibang pook sa ating sistemang solar,” wika pa ni Spudis.

Naniniwala si Spudis na ang sariwang tubig na maiinom ay karamihang naka-deposito sa buwan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here