May pananagutan ba ang mga manghuhula sa Panginoon?

Ito po ang komento ko sa tanong ni Melanie Suico Aton. 

Naniniwala ako na si God lamang ang pinakamakapangyarihang nilalang sa ating mundo. Tanging siya lamang ang nakakaalam kung ano ba ang mangyayari kinabukasan. Kung hanggang kailan tayo sa ating mundo. Kaya lang, may mga nilalang na maari ring makatanaw ng kinabukasan. Sila ang tinatawag na manghuhula.  

Totoo ba sila? 

May mga ilan na nagsasabi na marami lang na nagpapanggap na manghuhula. Hindi mo naman siyempre agad masasabing sila ay nagsisinungaling dahil wala ka namang ideya kung totoo nga ba ang sinabi niya. Basta nakaramdam ka na ng katuwaan kapag sinabi nila ang gusto mong marinig kabilang na rito ‘yung aasenso ka at matatagpuan mo ang iyong destiny.  

Ngunit, kung tatama ang hula niya sa pagsapit ng araw na iyon ay hindi mo mapipigilan ang mamangha dahil nagkatotoo ang hinula sa’yo. Makakaramdam ka siyempre ng kasiyahan kung maganda ang nangyari sa’yo at kung sakaling bad ang hinula sa’yo, mababalot ng lungkot at takot ang iyong puso.  

So, bakit nga ba may manghuhula? 

Sa aking paniniwala, sila ay ipinadala ni God para mabigyan ng babala ang mga tao sa kung ano ang mangyayari bukas. Maaring binibigyan pa Niya tayo ng panahon para makaiwas kung may mangyayaring masama sa atin. Bukod dito ay magagawa din tayong mabigyan ng inspirasyon ng mga manghuhula para magkaroon pa tayo ng pag-asa sa buhay.  

Aasenso pa ba ako? Kapag tinanong ito ng kliyente sa manghuhula,mapapangiti at magkakaroon sila ng pag-asa kapag sinabing yayaman ka kung magsisipag ka. Kaya naman parang hindi lang basta sinasabi ng mga manghuhula ang direktang yayaman ka dahil bago naman talaga yumaman ang isang tao, mayroon muna siyang pagdaraanan. Iyon nga ay pagsisipag niya.  

Ang mga tao naman kapag narinig na ang salitang ito ay mas magsisipag talaga kaya ang ending ay mangyayari talaga ang sinabi sa kanya.  

Sa tanong ni Ma’am Melanie kung may pananagutan ba ang mga manghuhula sa Panginoon, masasabi kong wala dahil Siya naman talaga ang nagbigay ng kakayahan sa manghuhula para masabi niya kung ano ang magiging kapalaran ng isang tao. Kaya, makabubuting huwag magsisinungaling ang manghuhula. Hindi maaari iyong dahil nabigyan ka ng malaking bayad ay mga magaganda na lamang ang sasabihin mo.  

Kailangan talaga ay magpakatotoo ka. Kung magsisinungaling lang ang manghuhula, doon siya makakatanggap na kaparusahan. Kailangan kasing totoo lang ang lalabas sa bibig ng isang tao. Kaya nga siya may kakayahang manghula dahil ibig ni God na mabalaan tayo o mabigyan ng inspirasyon. Kahit maganda kasi ang sinasabi ng manghuhula, hindi pa rin siya nakakatulong kung hindi naman siya magpapakatotoo.  

Kung ano man ang parusang maaring ibigay ni God sa ‘manlolokong manghuhula’ hindi natin alam. Basta, kailangan mo lang isipin na hindi dapat na magsinungaling ang isang tao. Hindi nga ba’t kasama pa ito sa Sampung Utos ng ating Panginoon?  

Kaya, kung may kakayahan kang manghuhula, huwag mong gamitin ang kaalaman na iyan para makapanlamang ka. Basta tandaan mo, kailanman ay walang mabuting maidudulot ang pagsisinungaling. 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here