MAY GINTO SA LUPA (Last Part)

Ravenson Biason

Bakit ba, Josephine? Masama ba ang loob mo sa akin dahil sa nangyari noong bakasyon? Nitong last summer? Nung huli tayong mag-usap sa bukid dahil pinulaan ko kayong mga sosyal at rich dito sa bayan natin!”

“Hindi! “si Josephine na umismid sa sinabi ko. Para siyang batang babae na inagawan ng cotton candy.

“E bakit nga? Di mo ba alam na masama ang nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa mo! Kung anoman ‘yang sama ng loob na ‘yan! Sige ka, pag di mo sinabi ang dahilan, maninindigan na rin ako. Di na rin kita papansinin kahit kailan.”

Nalungkot ang mukha ni Josephine sa tinuran ko. Pumadyak-padyak ang paa sa espaltadong kalsada. Dedma lang kami sa ibang nagdaraang mga motorist. Akala ‘e may lover’s quarrel na eksena silang nakikita.

“Ikaw kasi ‘e! ang sama mo. Bigla ka na lang nawala. Di mo man lang sinabi sa akin na hihinto ka pala sa studies mo two years ago. Pinaasa mo lang pala ako!”

Anong pina-asa? Hindi kita maintindihan, haller! Anong pina-asa?”

Kasi… niligawan mo nga ako nun. Kaso, di mo ipinagpatuloy. Akala ko ba mahal mo ako? Bakit di naging tayo!” si Josephine na nag-blush sa sinasabi.

Wow! Ang gulo mo ha! Ikaw ba ang naliligaw sa akin para tanungin mo ako ng ganyan? Kung ang di ko nga nabigyan ng continuation ang ginawa kong panliligaw sa iyo ang reason ng pagkaka-snobbish mo sa akin, yun na nga! Yun ba ang dahilan?” sabi kong nakangiti.

Napayuko si Josephine. Yun pala ang dahilan niya.

Ikaw kasi ‘e. Mas binigyang pansin mo pa ang bukirin nyo kaysa sa akin! Mas gusto mo pang kasama ang mga kalabaw, kambing, manok dyan sa bukid nyo. Ni hindi mo na nga ako dinadalaw sa tambayan ng tropa sa palaisdaan. Ni hi…ni hello sa text saka sa Facebook, nakalimot ka na. kainis ka!”

Ala kaya akong Facebook account para padalhan ka ng message. Yung lumang cellphone ko, ala na. Nai-prenda na. Anong problema dun! It’s my life, you know! At bakit ba naiinis ka sa pagwawalang-bahala at di ko pagiging thoughtful sa iyo?‘A alam ko na, lumalabas kasing di ka mahalaga sa akin ano?”

Mahal kasi kita. Oo mahal kita. Kaya ako naiinis sa iyo!” Nasukol si Josephine. Umamin. Kung hindi pala ako matagal na nawala at di niya gaanong nakikita ay di ko pa malalaman ang tunay niyang damdamin.

Ganun. Mahal mo ako pero di mo ako pinapansin? Meron bang ganung tao sa taong minamahal niya? ‘E ano ngayon kung love mo ako?”

Muling umismid ang mukha ni Josephine sa pagpapakipot ko pa kunwari na hindi ako apektado sa mga sinabi niya. Ang totoo, kilig na kilig ako. Katunayan, nagja-jumping jack na nga ang puso ko sa tuwa.

Ano ngayon? Kainis kang talaga!” si Josephine na maluha-luha na sa pagiging alaskador ko.

Love mo ako tapos love din kita…‘e di magmahalan tayo. Pagyamanin natin ang pag-iibigan natin gaya ng bukiring hitik sa tanim na butil ng tanim na palay na isinasayaw sa bawat kampay ng hangin,” turan ko sabay hawak ng kanyang mga kamay.

Niyakap ako ni Josephine. Alam ko, na miss niya ako ng sobra. Alam kong naiintindihan niya naming lahat ang nangyari sa pamilya namin. Nagagalak ako dahil ako pala ang matimbang sa puso niya sa kabila na matitindi ang aking mga karibal. Wala raw panama ang mga iyon sa akin dahil puro pa-cute lang daw ang alam sa buhay. Sarap daw hilahin ang bangs.

Kaya mula nun, okay na kami ni Josephine. Naging kami at hindi iyon lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Basta, i-prioritize lang muna naming ang pag-aaral. Sa ngayon ay puro pangarap muna at pagsisikap.

Pagdating kasi about love between studies, kailangan may isakripisyo which is mali naman. Bakit papipiliin ka sa bagay na parehong mahalaga. Sa halip na maging hadlang ang pag-ibig sa pag-aaral, ba’t hindi gawing inspirasyon ang pag-ibig habang nag-aaral. Nasa nagdadala lang siguro yan. Yung iba kasi mapupusok kaya nakalilimot. Ako hindi. Kaya mahal ako ni Josephine at boto sa akin ang parents niya. May sarili yata akong farm, hehehe.

Sa ngayon, isa ako sa mga nagsu-suplay ng kaba-kabang bigas sa bayan sampu ng mga inaning bungangkahoy at gulay sa merkado. Kaya napatunayan ko na ang kasabihang putik man ay may langit din. Basta tama ang pamamaraan at paglinang sa mga pananim sa lupa, uunlad ka’t sasagana. WAKAS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here