MAY GATAS PA SA LABI, SINISERYOSO NA ANG LOVE

945
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

13 years old pa lang ako at in-love na ako. Sabi niya, mahal din niya ako. Sa palagay n’yo ba may forever kami? — Irish

 

Irish,

Naku, Ineng, hindi ako manghuhula para masagot ko ang iyong tanong kaya wala akong kakayahan para makita ko kung ano ang mangyayari bukas. Ang tanging alam ko, masyado ka pang bata para intindihin ang iyong lovelife. Mag-aral ka munang mabuti at ambisyunin mo munang makapagtapos at makapaghanap ng magandang trabaho para makatulong ka sa parents mo at magkaroon ng magandang buhay.

Okay, kapag naging kayo, magiging masaya ka. Ganoon naman talaga kapag nagkakaroon ng karelasyon kaya lang, hindi naman maaaring puro saya na lang ang mararamdaman mo. Nakatitiyak ako na may pagsubok din na darating sa inyong dalawa at alam kong kahit mabababaw lang iyon, magiging malaking isyu na sa inyo iyon. Ang dahilan, pareho pa kayong isip bata. a darating at agad kayong bibitaw sa isa’t isa. Ang dahilan masyado pa kayong bata para sa pag-ibig na ‘yan. Baka nga hindi pa kayo nagsasawa na maglaro ng taguan o habulan.

Bago ka magmahal ng ibang tao, mahalin mo muna ang iyong sarili at ang iyong pamilya. Bata ka pa kaya i-enjoy mo muna ang buhay mo. Ang nararamdaman mo para sa lalaking ‘yan ay crush lang. Inaakala mo lang na mahal mo siya dahil lagi mo siyang gustong nakikita. Pero, kapag nakakita ka ng mas guwapo sa kanya, tiyak na mabubura na rin sa puso’t isipan mo ang lalaking ‘yan.

Hindi ko lang sinasabi ito dahil ayaw kong maging maligaya ka. In fact, sinasabi ko ito para sa takdang araw ay makamit mo ang tunay na kaligayahan na hindi mo mararamdaman kung seseryosohin mo ‘yang nararamdaman mo ngayon. Tinitiyak ko na magiging miserable ka lang dahil kung kaedad mo lang ang lalaki, mas di pa ‘yan seryoso. Wala ‘yang gustong gawin kundi makipagbarkada at ikaw, never kang magiging priority niyan.

O, handa ka na bang masaktan? I’m sure, hindi pa. Dahil akala mo ang relasyon ay puro sya lang. Mali ka diyan. Maaari ngang sa simula, puro saya at kilig ang mararamdaman mo ngunit tinitiyak ko sa’yo na sa paglipas ng mga araw, mawawala din ‘yung pananabik ninyo sa isa’t isa. At dahil nga ipinagpipilitan mo na in-love ka sa kanya at gusto mong panindigan ang inyong relasyon, gagawin mo ang lahat para maging okay kayo. Naku po, baka maging dahilan ‘yan para magkamali ka.

Ah, masyado ka pang bata para i-discuss ko sa’yo kung ano ang ‘pagkakamaling’ iyon. Basta ang maipapayo ko, huwag maging matigas ang ulo mo. Bata ka pa para makipag-boyfriend. I-enjoy mo muna ang iyong kabataan, ang iyong kalayaan. Maging responsableng anak at estudyante ka muna. Kung mayroon ka mang nagiging crush, okay lang ‘yan. Gawin mo siyang inspirasyon para makapag-aral ka ng mabuti. Bigyan mo muna ng kasiyahan ang mga magulang mo at magagawa mo iyon kapag pinakitaan mo sila ng matataas na marka. Tandaan mo, ginagawa nila ang lahat para magkaroon ka ng magandang kinabukasan kaya huwag mong sirain iyon.

Be a good girl, okay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here