MATUTO NG TELEPATHIC MESSAGING

1018

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Bago ka makapasok sa mundo ng spiritually at ma-access ang lahat ng kapangyarihang nakapaloob dito, ikaw ay dapat ay matiyaga, may pagkamatiis(patience), may dedikasyon, at higit sa lahat, determinasyon. Napakahalaga ng lebel ng iyong pananampalataya o faith dahil ito ang magdedetermina kung gagana o hindi ang mahika.

Sa aking ituturo ngayon, hindi lamang panananampalataya ang dapat mong ibigay, kundi pati ang iyong tiyaga at pasensiya. Ito ang kung paano ka makapagpapadala ng telepathic message sa isang tao.

Kung ikaw ang magpapadala ng message, ikaw ang sender. Susubukan mong mag-transmit ng mensahe sa iyong potential receiver. Wala itong pinagkaiba sa ordinaryong pagpapadala ng text message sa pamamagitan ng cell phone. Ang mensahe mo ay natatanggap ng nasa kabilang linya sa pamamagitan ng signal mula sa isang cell site. Ngunit sa telepathic message sending, ang tanging gamit mo ay ang kapangyarihan ng iyong isip. Susubukan mong ipukol ang iyong mensahe sa isang tao sa sa pamamagitan ng wavelength ng iyong utak.

Ang isang bihasang telepathic messenger ay may kakayahang makapagbigay ng mensahe sa kaniyang receiver kahit ito ay nasa malayong distansiya. Ngunit para sa beginner na tulad mo, dapat ay magpraktis muna sa malapitang range.

Humanap ng isang willing test subject na uupo sa harap mo. Bago ka pa man magpukol ng mensahe sa kaniyang isip, mahalagang tandaan mo na dapat ay lubos mong nauunawaan ang proseso ng telepathic message sending. Isa sa una mong dapat tandaan ay ang pagkakaroon ng napakalinaw na imahinasyon. Ilarawan ng malinaw sa iyong isip ang mensahe. Halimbawa, kung ang gusto mong ibigay na mensahe sa iyong test subject ay bulaklak, i-visualize mong mabuti sa iyong isip ang klase ng bulaklak; na sa sobrang linaw ng detalye sa iyong isipan ay tila naaamoy mo na ito o parang nasa harapan mo na mismo. Makatutulong kung magpraktis ka muna ng visualization bago ka sumabak sa telepathic message sending.

Sa sandaling nabuo mo na nang malinaw sa iyong imahinasyon ang mensahe, i-relax mo ang iyong sarili. Pakalmahin mo ang iyong mga muscles. Huminga ng malalim ng ilang beses. Makatutulong ang breathing upang makapasok ang maraming oxygen sa iyong cells. Nakatutulong rin ang deep breathing upang mapabuti ang iyong concentration.

Kapag kalmado ka na, alisin mo ang anumang bagay o alalahanin na walang kinalaman sa mensaheng gusto mong ipukol sa iyong test subject. Kung bulaklak ang mensahe mo, iyon lang ang isipin mo. Kalimutan muna ang ibang bagay dahil hahalo ito sa mensahe na ibig mong iparating. Kumbaga sa signal, ito ay magi-static dahil nakasasagap ito ng ibang frequency.

Sa sandaling klaro na ang iyong isipan at napakalinaw na ng mensahe mo sa iyong utak, handa ka nang ipukol ito sa iyong receiver. Imaginin na ang picture ng mensahe mo ay literal na lumalabas mula sa gitnang bahagi ng iyong kilay (kung nasaan ang third eye) patungo rin sa sentro ng noo ng iyong test subject o receiver. I-visualize mo itong mabuti at malinaw.

Sa sandaling naramdaman mo na nai-send mo na ang iyong mensahe, oras na upang itigil mo ang telepathic message sending. Ang pagsi-send ng mensahe ay karaniwang tumatagal ng segundo o kaya ay minuto, depende sa kakayahan mong mag-visualize ng isang bagay.

Sa puntong ito, mahalaga ang gagampanan ng iyong test subject o receiver dahil siya ang magpapatotoo kung naipukol mo nga sa kaniya ang mensahe mo. Huwag kang madidismaya at panghihinaan kaagad ng loob kung sa una, pangalawa, o pangatlong attempt ay hindi nagtugma ang iyong mensahe sa sinabi ng iyong test subject. Practice makes perfect, ika nga. Subok lang ng subok hanggang sa maging bihasa kang telepathic messenger.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here