Matinding pag ubo ng buntis, dahilan kaya nagkakadiprensiya ang sanggol

36

Ingatan mo ang iyong sarili. Ito dapat ang lagi nating ipaalala sa mga buntis para naman ibayong pag iingat ang gawin para di mapahamak ang kanilang ipinagbubuntis. Kaya naman ang mga buntis ay kailangang maging healthy palagi.

Kapahamakan kasi ang mangyayari sa magiging anak niya kapag sumama ang kanyang pakiramdam. Iyon nga lang kapag biglang nangati ang kanyang lalamunan o kaya naman nagkaroon siya ng hika dahil nakalanghap siya ng magpapa allergy sa kanya, siguradong iihitin siya ng pag ubo.

Ayon sa mga mananaliksik ang sanggol  ay magkakaroon ng matinding kumplikasyon kapag ang kanyang ina ay hinika. At eto nga ang maaaring magyari.

Una, ang sanggol ay maaaring magkaroon ng pre eclampsia, maging premature o underweight.

Pangalawa, maaaring magkaroon ng cleft lip o problema sa puso ang baby o kaya ay magkaroon ng pneumonia.

Nais mo bang mangyari ‘yan sa’yong anak? Natural, hindi ang iyong isasagot. Kaya hangga’t maaari ay huwag mo hayaang hikain ka dahil sa bawat pag ubo mo ay maaapektuhan ng todo ang iyong magiging anak.

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here