Matapos Umani Ng Batikos, Pilipinas, Umaani Ngayon Ng Ginto

Matapos ngang umani ng sangkaterbang pagbatikos ang Pilipinas bago ang simula ng SEA games, ay humataw naman ito sa pag-ani ng gintong medalya. Sa opening pa lang ay inani na nito ang papuri mula sa iba’t-ibang nasyon at siyempre pa ay mula sa mga Pilipino na tunay na nagmamahal sa bayan. Nakakakilabot ang naging presentasyon ng Pilipinas sa opening. Yung talagang hindi mo mapipigilan ang mapaluha at masasabi mong proud Pilipino ka talaga. Nakadagdag siguro ito sa lakas ng loob ng mga atleta natin para lumaban. Go for gold talaga! Pinatunayan nila na hindi sila madi-discourage sa anumang pagbatikos ng mga taong walang paniniwala sa kanilang kakayahan. Mababakas mo rin ang saya ng ating pangulo habang pinapanood ang presentation ng ating bansa during the opening. Maging ang pinag-uusapang 50 million cauldron ay naging kahanga-hanga nang sindihan na ito ng torchbearers na sina Manny Pacquiao at Neshty Petecio.

Noong 2017, ang Pilipinas ay nakahakot ng 24 medalyang ginto sa SEA Games at parehong 29 naman noong 2013 at 2015. Pero ngayong 2019, meron na agad tayong 38 na medalyang ginto, 19 silver at 10 bronze. Nakakabilib diba? Si Hidilyn Diaz ay nagpakitang gilas at hindi siya nabigo sa pagsungkit sa kauna-unahan niyang SEAG Gold. Ipinakita ni Diaz ang galing sa women’s weightlifting. Nakasungkit din ng medalyang ginto sa padded stick category ang mga Filipinong sina Elmer Manlapaz (featherweight division) Carloyd Tejada (welterweight) at Jesper Huguire (bantamweight). Nadepensahan naman ni Agatha Wong ang wushu title at nakapagdagdag pa ng ginto mula sa pagdodomina sa women’s taolu taijiquan para sa Pilipinas. Wagi rin ng medalyang ginto si Carlos Yulo sa all-around men’s artistic gymnastics event.

Tunay na nakakahanga ang galing na ipinapakita ng ating mga atleta kaya naman deserve nila ang ating papuri at suporta at mas lalong deserve nila ang gintong medalya.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Disyembre 8
Next article5 Paraan para di mo maisipan ang mapakamatay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here