Matalim na tingin, Nakamamatay!

Kapag may galit kang nararamdaman sa isang tao ay hindi mo iyon magagawang ipagkaila sa’yong mga mata dahil makikita na matalim ka kung makatingin. Sabi nga sa mga paglalarawan, kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa siyang tumimbuwang. Ngunit, alam mo bang may katotohanan ang mga salitang ito?

Ang ating mga mata ay nakapaglalabas ng galit kaya naman kapag tumitingin tayo ng masama ay para na rin natin silang nagagawang isumpa. Ibig sabihin ay maaaring maisip mo na sila ay masaktan o di kaya naman ay mamatay. Kaya, nakapagbibigay ka ng kamalasan sa kanilang buhay.

Nanaisin mo bang mangyari iyon? Kung sobra-sobra nga ang galit mo sa isang tao ay madali lang sa’yo ang magsabi ng ‘oo’ kaya lang kung talagang may mabuti kang kalooban ay hindi mo rin gugustuhin na may mapahamak, hindi ba?  Kung ganoon, iwasan mo ang tumingin ng masama sa’yong kawa dahil baka may hindi magandang mangyari sa kanya.

Sabi nga sa pagsasaliksik, ang mga taong mayroong devil eye ay hindi na kakailanganin pang magbulalas ng sumpa. Ang matatalim na tingin lang nila ay sapat na para ikaw ay mapahamak. Kaya, kung ayaw mong mangyari ito sa iyo ay iwasan mo rin ang makagawa ng masakit sa’yong kapwa dahil sa isang masamang pagtitig lang nila sa’yo ay maaari kang bumulagta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here