MATAAAS ANG POSISYON NG GIRLFRIEND, KAYA, BF NA SEKYU PINEPERAHAN LANG

1162
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

Isa akong sekyu at tinamaan ako sa isang empleyado na aking pinagtatrabahuhan. Mataas ang kanyang posisyon kaya naman hindi namin maipagsigawan ang aming relasyon. Naiintindihan ko naman siya kaso parang nararamdaman ko na niloloko lang niya ako. Panay lang ang pabili niya sa akin ng kung anu-anong gamit. Ipagpapatuloy ko pa ba ang relasyong ito? — Raffy

 

Raffy,

Kung alam mo na naman na niloloko ka lang niya, bakit ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagrelasyon sa kanya? Sinasaktan mo lang ang iyong sarili. Huwag ganoon. Kahit mahal mo ang isang babae, kailangan naman ay irespeto mo rin ang iyong sarili. Mangyayari lang iyon kung hindi ka papayag na paikutin lang niya, gamitin at paglaruan dahil sa huli, ikaw din ang magiging kaawa-awa.

Huwag mong isipin na ‘mahal din ako niyan. siguro ay naglalambing lang siya sa akin kaya panay ang pabili niya ng kung anu-ano’. Hay naku. Kung ganyan ang iisipin mo, walang magiging kawawa kundi ikaw. KUng nararamdaman mo na nga na parang ginagamit ka lang niya para makuha niya ang mga gusto, huwag mong balewalain ang pakiramdam na iyon. Instinct iyon kaya kailangan mong pakinggan. Hindi mo na kailangang lokohin pa ang iyong sarili kung may mga nakikita kang senyales na ginagamit ka lang niya.

Kung kaya mong magmahal ng ibang tao, mas mahalin mo ang iyong sarili. Hindi mo deserve ang babaeng tulad niya kahit gaano pa siya kaganda at kaseksi. Hindi laging pisikal na anyo ang magiging basehan mo sa pagpili ng mamahalin, kailangan ding mayroon siyang mabuting ugali at sa tingin ko, hindi ganoon ang babaeng ‘yan. Raffy, makinig ka sana sa akin. Hindi mo kailangan ng manggagamit, ang kailangan mo ay iyong taong magmamahal sa’yo talaga. Kaya, mas maiging makipagkalas ka na rin sa knya.

Kahit naman kasi sabihin mong mahal mo siya, kung hindi ka naman niya mahal, balewala rin. KUng ang layunin lang niy ay magpabili sa’yo ng kung anu-ano, maghihirap kalang. O, gugustuhin mo ba iyon? I’m sure hindi, kaya mabuti pang gawin mo na ang tama. Isa pa, kahit namn maging magkarelasyon kayo, hindi ka naman niya magagawang ipagmalaki sa kahit sino.

Maaari ngang hindi dahil sa mas mataas ang kanyang katungkulan kundi dahil sa nasa iisang kumpanya kayo. Maaaring dahil sa bawal sa kumpanya iyong mayroong karelasyon. O baka nga dahil ang nais niyang ipakilalang karelasyon ay iyong mas maipagmamalaki niya.

Hindi ka niya mahal kaya huwag ka na makaramdam ng sakit. Ikaw din kasi ang magiging kaawa-awa pagkaraan. Ang intindihin mo na lamang ay ang trabaho mo, huwag ka na magpaapekto sa kanyang presensiya. Ang pamilya mo ang dapat mong gawing inspirasyon at hidi ang babaeng ‘yan na tiyak kong magiging distruction lang sa’yo. May advantage nga sa’yo iyong hindi alam ng iba ang inyong relasyon. At least, ┬áhindi ka maaalangan na may nagtatawa o nanunukso sa inyo kapag nagkikita kayo ng babaeng ‘yan.

Sa takdang panahon ay makikita mo ang babaeng itindhana para sa’yo. Iyong tatanggapin ka at mamahalin ka ng tunay. Hindi ‘yan maibibigay sa’yo ng karelasyon mo ngayon kaya mabuti pang tanggapin mo na ngayon pa lang na hindi kayo para sa isa’t isa. Kung nasasaktan ka man ngayon, natural lang ‘yan. Pero, ang sakit na nararamdaman mo ay mawawala sa takdang panahon kaya, huwag kang mainip.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here