Martes, Lamparas nanguna sa Lingayen Leg MILO Marathon

0
120

MAHIGIT 9,000 ang nakiisa at nakitakbo sa ginanap na National MILO Marathon Lingayen, Pangasinan Qualifying Race, na ginanap sa Capitol Complex Lingayen Baywalk Gulf noong Agosto 18.

Sa women’s divisions, nanguna si Christabel Martes (BIB No.24680) na naorasan ng 1:31:35, pumangalawa si Elaine Quismondo (BIB No.22632) na may record na 1:36:59, habang pumangatlo si Lany Adaoag (BIB No. 24693) na tumakbo ng 1:41:41.

Ang Cordilleran marathon queen ay nanguna sa nakaraang National Milo Marathon (Urdaneta) Pangasinan Leg noong July 15, 2018 na naorasan ng 1:31:35, at isa sa 12 Filipino na tumakbo sa Laguna Phuket Marathon. Si Martes na tubong La Trinidad, Benguet ay third placer sa 21 kilometer run na sinalihan ng 1,961 female runners na tumakbo sa Thailand.

Sa men’s divisions, panalo si Kurt Jomar Lamparas (BIB No. 24653) na naorasan ng 1:16:00, kung saan 2 minuto at 12 segundo lamang ang agwat ng 2nd placer na si Cesar Castañeto Jr. (BIB No. 20112) na naorasan ng 1:18:12, third placer naman si Reynante Torio (BIB No.24692) na naorasan ng 1:19:53. Sa Urdaneta Leg noong nakaraang taon, naorasan si Lamparas ng 1:45:26.

Bukod dito, naging magarbo at maringal ang marathon sa bayang kinikilalang “Most Romantic Place in the Philippine” na itinatag noong 1614, dahil sa masayang pagsayaw ng grupong Pangazinan Zumba Crew na pinamamahalaan nina Zin Joyce Limon at Zin Chrisopher Olivar, idagdag pa ang pagtugtog ng grupong “Banda ni Pogi”.

Bukod dito, naging magarbo at maringal ang marathon sa bayang kinikilalang “Most Romantic Place in the Philippine” na itinatag noong 1614, dahil sa masayang pagsayaw ng grupong Pangazinan Zumba Crew na pinamamahalaan nina Zin Joyce Limon at Zin Chrisopher Olivar, idagdag pa ang pagtugtog ng grupong “Banda ni Pogi”.

Magkatuwang naman ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamahala ni Col. Redrico Maranan, provincial director, Deltacom Philippines Inc. Rescue, at Deltans Civic Communication Group na namahala sa seguridad ng Lingayen Gulf Baywalk.

Matagumpay na idinaos ang karera, dahil sa magandang pamamahala nina MILO Sports manager Lester Castillo, National Milo Marathon Race Organizer Andrew Neri, Local Race Organizer Tes Bernardino, at Runrio Events, Inc. event manager Abbie Aranda.

Buong puso naman ang pakikiisa at suportang ibinigay ng Pangasinan Provincial Government, sa pamamahala ni Governor Amado Espino III, at Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.

Sinabi ni Mayor Bataoil, na inaasahan niya na nasiyahan ang mga organizer ng National MILO Marathon, at sa mga susunod ay mas malaki at pinakamalawak pa at lalong dagdasa sa Capitol Complex Lingayen Baywalk  ang makikiisa para sa ganitong mga aktibidad.

Samantala sa Cheer Dance Competition, High School Category: Kampeon ang Mangaldan National High School (90%); East Central School (2nd placer) 88.3 %; Dagupan City National High School (3rd placer) 88; at Pangasinan National High School (4th placer).

Elementary Category: Champion ang Libsong Elementary school (Lingayen) na may 94.3%; 2nd placer, Lingayen I Central School, 92.6%; 3rd placer, Bacuit Elementary School (Tarlac City) 92%; 4th placer, San Rafael Elementary School (Tarlac City) 86.6%.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here