Marijuana, Nasabat Sa Malabon, Caloocan at Quezon City

Nasabat mula sa iba’t-ibang lugar ang hindi birong kilo ng marijuana. Ito ay sa Malabon, Caloocan at Quezon City. Sa Caloocan City ay nasa 720,000 pesos ang tinatayang halaga ng mga nasabat na anim na kilo ng marijuana. Natunton ang suspek na nagbebenta nito nang makapasok ang mga pulis sa online community kung saan aktibo ang bentahan ng marijuana. Ang suspek ay ikinulong na sa Northern Police District. Anim na kilo rin ng marijuana ang nasabat naman sa Cubao mula sa dalawang lalaki na tumangging may kinalaman dito, ayon sa kanila ay nadamay lamang sila. Ayon kay Chief, QCPD Station 1, Camlon Nasdoman, nagconduct sila ng follow up operation sa mga nahuli nila previously. Ang dalawang nahuling suspek ay ikukulong sa Laloma Police Station. Sa Malabon naman ay aabot sa isa’t kalahating kilo ng shabu ang nasabat ng Malabon PNP. Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng sampung milyong piso. Aminado naman ang mga nahuling suspek na responsable sila sa pagbebenta ng mga ito. Nakakulong ngayon sa Malabon City Police Station ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.

Kung hindi nasabat ang bloke-blokeng marijuana na ito at iba pang uri ng droga, ilang buhay pa kaya ang masisira nito? Kalimitang idinadahilan ng mga nahuhuli rito ay kahirapan. Kapit sa patalim. Pero ang hindi nila alam, bawat sentimo na kinikita nila mula sa pagbebenta nito ay katumbas ng napakaraming buhay na masisira o maaring alam na nila pero nagbubulagbulagan lang sa ngalan ng salapi. Sana ay patuloy pang magsagawa ng mga ganitong operasyon ang ating mga kapulisan upang marami pa ang mahuli hanggang sa lumiit ang mundo ng mga nabubuhay sa ilegal na droga. Kakailanganin din ng awtoridad ang tulong ng mga pangkaraniwang mamamayan tulad natin sa kanilang laban sa droga dahil buhay natin at ng mga mahal natin sa buhay ang nakasalalay dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here