MARIAN RIVERA: HINDI LANG PRIMETIME QUEEN, REYNA RIN SA PUSO NG MASA

1
98

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Kapuso Primetime Queen, iyan ang bansag kay Marian Gracia y Rivera o mas kilala ng marami sa pangalang Marian Rivera.

Nagsimula ang kanyang karera sa pagiging isang modelo hanggang sa mabigyan ng mga supporting roles sa iba’t ibang pelikula gaya ng Bahay Kubo kasama ang batikang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano, Desperadas kasama sina Ruffa Gutierrez, Ruffa mae Quinto at Iza Calzado.

Taong 2007 nang mabigyan siya ng big break nang makuha niya ang lead role ng Filipino adaptation ng big hit Mexican telenovela noong dekada ’90, ang Marimar. Sa naturang teleserye ay nakapareha niya ang kanyang ngayon ay asawa ng si Dingdong Dantes. Hindi naman nagtapos sa teleseryeng Marimar ang paglipad ng karera ni Marian dahil taong 2008 ay agad siyang nabigyang muli ng lead role bilang si Dyesebel na naging isang malaking hit din sa Kapuso network.

At dahil nga naging isang phenomenal star si Marian at naging isa sa pinakamakinang na bituin ng Kapuso Network, maging ang recording ng kanyang dance album ay naging isang malaking hit din.

Ngunit gaya ng ibang artista ay hindi naging steady o stable ang karera ni Marian Rivera dahil kaakibat ng kanyang naging kasikatan ay ang kaalamang marami rin ang namba-bash sa kanya. Lahat din ng kilos niya ay nakasunod hindi lamang ang media kung hindi maging ang mga taong humahanga at naghahanap lang ng mali na maaari niyang magawa.Kaya naman ng pumutok ang balitang sinisigawan at inaaway niya ang isang fan na kinukuhanan siya ng video ay agad na nag-viral at nag-trending ang nasabing video.

Naging daan ang eskandalong iyon upang tila manamlay ng bahagya ang karera ng Kapuso Primetime Queen at sa mga sumunod na taon ay hindi naging gaanong maganda ang rating ng kanyang mga programa gaya na lamang ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Darna, at maging ang mga pelikulang gaya ng Super Inday and the Golden Bibe at Temptation Island kung saan ay nakaalitan naman niya ang kapwa niya Kapuso artist na si Heart Evangelista.

Mabuti na lamang at taong 2012 ay muling nakabawi si Marian ng gumanap siya sa Philippine Adaptation ng Korean TV series na Temptation of a Wife kung saan naging daan pa upang  lalo siyang makilala sa iba pang Asian countries na gaya ng Vietnam.

Hindi rin matatawaran ang mga parangal na kanyang natanggap sa mga nakalipas na taon bilang isang mahusay na aktres ngunit higit sa lahat ay isa siyang kapita-pitagang babae dahil na rin sa kanyang pusong marunong tumulong sa kanyang kapwa.

Taong 2009 ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Cainta Rizal. Bukod pa iyan sa kanyang pagiging aktibong pagvo-volunteer sa GMA Kapuso Foundation. Sumali rin siya sa “Marriott Manila” noong taong 2011 upang makatulong naman sa mga nasalanta ng bagyong Sendong. 2013 ay nagbigay din siya ng kanyang tulong sa fundraising event ng Noel Bazaar na isang Christmas event ng Kapuso Foundation. At taong 2014 ay ginamit niya ang kanyang popularidad at impluwensya upang mai-promote ang karapatan ng kababaihan at mga kabataang may disabilities, kasabay ng kanyang pagkaka-appoint bilang Ambassador for Women and Children with Disabilities.(wikepedia.com)

Si Marian ang isang mabuting halimbawa ng isang saranggola na lumipad sa kaitaasan dahil naabot na ang kanyang mga pangarap, nawalan ng hangin na nagdulot ng kanyang muntik ng pagbagsak at sa huli ay natutong bumangon hindi lamang para sa  kanyang sarili kung hindi maging para sa kanyang mga mahal sa buhay. Sa ngayon ay ine-enjoy ni Marian ang pagiging isang ulirang  ina at asawa.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here