Margarita “Tingting” Cojuangco: More Than Just a Beautiful Face

1094

Si Margarita “Tingting” delos Reyes Cojuangco ay ipinanganak noong April 29, 1944 kay Geronimo delos Reyes at Lita Manzano. Eighteen years old pa lamang siya nang pakasalan ang asawang si Jose “Peping” Cojuangco Jr, dating Representative ng Tarlac at kasalukuyang Presidente ng Philippine Olympic Committee. Biniyayaan sila ng limang anak na babae, sina Liaa Cojuangco-Bautista, Josephine Cojuangco, Mikaela “Mikee” Cojuangco-Jaworski, Margarita Demetria “Mai-Mai” Cojuangco-Zini, Regina Patricia “China” Cojuangco-Gonzales.

Dahil sa maagang pag-aasawa, hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Tingting. Kaya naging pangarap at pangako niya sa sarili ang pagtatapos ng pag-aaral.

Natapos niya ang kanyang college degree sa loob ng tatlong taon, kumuha ng Master’s Degree sa University of Santo Tomas, nag-Masters sa National Security Administration sa National Defense College of the Philippines (NDCP). Nakatapos din siya ng doctorate sa Criminology at Philippine History.

Bukod sa pagiging presidente ng Philippine Public Safety College, si Tingting ay naging chairman din ng Alumni Foundation ng National Defense Council of the Philippines (NDCP), direktor ng Drug Abuse Rehabilitation Foundation, Board of Trustees ng Colegio de San Agustin at miyembro ng Board ng Baguio Country Club. Siya rin ay full colonel sa Army Reserved Force.

Ayon sa kanya, ang pagpo-promote sa edukasyon ay kanya ng advocacy noon pa man. Naniniwala siyang ang lahat ay mayroon dapat tamang edukasyon dahil iyon ay basic right. Ang edukasyon ay dapat maging available para sa lahat. Ang bawat isa ay dapat matuto ng pagbabasa, pagsusulat, ng Math, at maturuan ng history ng bansa at ng tungkol sa mga bayani para magkaroon sila ng mabubuting role models.

Ang kanyang thirst for knowledge at travels sa buong Pilipinas ay nagresulta ng maraming libro tungkol sa history tulad ng Kris of Valor (1993); Konstable: The Story of the Philippine Constabulary 1901-1991 (1994); History of Tarlac: Pre-History to World War II (1996); A Handful of Pearls: Essays on My Mindanao-Sulu Sea Travels (2002); ang libro ng kanyang published columns Sisters Act, Mom Reacts (2007); The Samals in History and Legend, A Doctorate Degree Dissertation at Northern Woman, Southern Seas (2007).

Sa kanyang buong buhay at career, may isang bagay na hindi nawala kay Tingting—ang kanyang elegance. Noong unang beses siyang lumabas sa mga fashion glossies habang naka-pose sa ibabaw ng kalabaw na mayroong backdrop ng palayan, binigyan niya ang Europa at Amerika ng positibong imahe ng isang Filipina, isang world-class beauty, modern, intelligent.

Kahit noong kanyang kabataan, nakuha na ni Tingting ang atensyon ng buong mundo matapos lumabas ng dalawang beses sa Harper’s Bazaar. Noong pangalawang beses napili siya ng magazine bilang isa sa 100 Most Beautiful Women In The World noong 1968 kasama sina Jacquelyn Kennedy, Grace Kelly, Audrey Hepburn, Marlene Dietrich.

Nabighani ang international fashion world sa kanyang exotic beauty, rare pedigree at breeding kaya’t hindi nagtagal ay naging toast siya ng glittering parties ng Manila society.

Ayon kay Tingting, ang elegance ay isang lifestyle na kailangan ng maraming taon para madevelop. Ang elegance ay tungkol din sa pagiging edukado, pagiging cultured. Tungkol din ito sa pagiging refined sa kilos, pananalita, paglalakad at kung paano mabuhay, hindi lamang habang nasa harap ng publiko, kundi sa bawat segundo ng buhay.

Dahil sa rason na ito, nakahanap si Tingting ng bagong advocacy, ang listahan na kumikilala hindi lamang sa magaganda kundi eleganteng mga Filipina na nagsisikap na gumawa ng pagbabago at impact sa kanilang respective professions.

 

SOURCES (ARTICLE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Tingting_Cojuangco

https://withonespast.wordpress.com/tag/governor-margarita-tingting-cojuangco/

http://orangemagazine.ph/2015/tingting-cojuangco-icon-of-elegance-and-substance/

http://newsinfo.inquirer.net/10073/who%E2%80%99s-afraid-of-tingting-cojuangco

http://filipinofreethinkers.org/2013/04/27/know-their-stand-tingting-cojuangco-senatorial-candidate/

 

SOURCE (IMAGE):

http://filipinofreethinkers.org/2013/04/27/know-their-stand-tingting-cojuangco-senatorial-candidate/

http://www.paultheprguy.ph/2015/09/tingting-cojuangco-icon-of-elegance-and.html

SHARE
Previous articleAng pag-iibigan nina Favian at Natasha
Next articleHoroscope, Enero 16, 2018
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here