MARAMI NA NAMAN ANG LAGOT KAY BATO

NARCO list — ang listahang ito ay napaka importante kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa dahil nandito ang mga protektor ng droga na kailangan niyang hulihin. Well, sorry na lang kung sila ay manlalaban pa dahil tiyak na mayroon silang kalalagyan. Siguro naman sa loob ng mahigit isang taon ay natanim na isipan natin kung ano ba ang ayaw ng ating Presidente Rodrigo Duterte. Kung hindi pa tumatatak sa isipan mo, sasabihin ko ulit — ang droga.

Dahil sa paggamit ng droga ay masisira ang buhay ng mga kabataan at iyon ang iniiwasang mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ibig niyang maisalba ang mga kabataan sa pagiging adik kaya naman naglunsad siya ng War on Drugs. Nais niyang masolusyunan na ang lumalalang problema sa droga kaya kailangan nilang ikampanya iyon ng gusto. Kung hindi niya ito gagawin ngayon, alam niyang sa susunod na henerasyon ay marami pang kabataan ang masisira ang buhay.

Iyon nga lang dahil sa marami ang adik, pusher at protektor na pinipili pang lumaban, marami na ang napapatay. Bagamat may mga kaugnayan sa droga ang pinapatay, marami riyan na sinasabing mali ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglagay ng War on drugs, marami pa rin sa mga tagasuporta niya ang labis na natutuwa, marami pa rin ang kumokontra sa kanya lalo na’t inaabuso na ng ilang pulis ang kanilang kapangyarihan. Ito aay pinatunayan ng CCTV  at ilang mga testigo na nakasaksi sa karahasang sinapit ng Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos.

Gayunpaman, kahit na marami na ang nagra-rally diyan at sumisigaw na ng Stop the war against drugs, nakasisiguro akong hindi pa rin ito matitigil hangga’t mayroon pa ring gumagamit, nagbebenta at pumuprotekta sa droga. Sabi nga ni  PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, never niyang iiwanan si President Rodrigo Duterte.Lahat ng ipag-uutos nito at kanyang gagawin. Kaya lahat ng may kinalaman sa droga ay mananagot.

Kung ayaw mo naman mahuli ng pulis o kaya ay mapatay kapag ikaw ay nanlaban, huwag kang gagamit, magbebenta o magpu-protekta sa ipinagbabawal na gamot dahil talagang mayroon kang kinalalagyan. Kung ayaw mo naman mapagkamalan o di kaya’y mapagbintangan ng courier, pusher o user, ayusin mo ang buhay mo. Kung ayaw mo pang makinig, kailangan mong tandaan na nasa 13,000 na ang bilang ng napapatay ng ilunsad ang War on Drugs kaya huwag mo na naisin pang dumagdag doon.

 Sit ka na lang diyan at manood, okay?